SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
AMINADO si Coleen Garcia na isa sa pinakanahirapan siyang eksena sa Adarna Gang ng Viva Films ang napakahaba niyang monologue na siya mismo ang gumawa.
Sa isinagawang advance screening ng Adarna Gang marami ang pumuri kay Coleen.
“Usually when I work with actors hinahayaan ko muna, tinitingnan ko muna kung anong gagawin nila.
“Ang comparison ko riyan is like painting, eh, it’s a blank canvass somebody has to put paint first and then we interact, so, ‘yun tinitingnan ko sa rehearsal, sa first take.
“Like ‘yung kay Coleen improvise pala ‘yung sa mirror lines niya, hindi nakita na-credit sa script. Improve niya ‘yun. Nagulat siya noong ginawa namin.
“Ang unang tinanong ko sa kanya is ‘aware ka ba sa politics na nangyayari sa atin ngayon tapos sabi niya hindi masyadong updated pero sinabi niya ‘yung stand niya.
“Tapos sabi ko magkakasundo tayo rito kasi ganito ‘yung idea ko that we use the father as the metaphor then nagbatuhan kami ng lines pero siya (Coleen) ‘yung nag-improvise ng lines,” natutuwang pagbabahagi ni DirekJon Red.
Natuwa naman si Coleen sa sinabi ni Direk Jon gayundin sa papuri ng mga kapwa niya aktor na sina Ronnie Lazaro, Archie Adamos, at Shamaine Buencamino.
Samantala, nilinaw naman ni Coleen ang ukol sa pagpunta ni Billy Crawford sa France. Natanong kasi ang aktres kung doon na sila maninirahan.
Ani Coleen, “It depends…sa date kasi kung walang tatamaan, pero for sure sasama ako, depende kung sabay o susunod ako. For sure kung magtatagal siya roon kasama kami ng baby (Amari).
“Mayroon na siyang isang sure (show) na one month, kasama kami but we’re praying for other things as well by the end of the year at kung matuloy ‘yun may wedding din kasi ‘yung friend ko, so, baka sumunod na lang ako.
Mapapanood na ang Adarna Gang sa Marso 11 sa Vivamax na pinagbibidahan din nina Diego Loyzaga, Rob Guinto, Kat Dovey, at Aivy Rodriguez.