Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Calista girls

Calista, target ang international market

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MALAKAS ang dating ng hottest girl group ng bansa na Calista, na binubuo nina

Alluring Olive, Sweet Laiza, Edgy Anne, Sporty Denise, Chic Elle at Fiery Dain. Sila ang bagong I-pop girl group na pinamamahalaan ng Tyrone Escalante Artist Management (TEAM).

Nagkaroon ng launching last March 8, 2022 ang grupo ng dalagitang may talento sa pagsayaw at pagkanta at dito’y pinahanga nila ang lahat.

Target nilang ma-penetrate ang International market at masasabi naming may-K ang mga talented na kababaihang ito na maisakatuparan iyon.

Mula sa isang daang dalagita na dumaan sa audition, sinala ang mga gustong sumali sa grupo hanggang sa na-trim-down sila sa 50, naging 25 at hanggang sa anim na lang ang natira sa final selection.

Calista ang pangalan ng kanilang grupo dahil pinaikli itong Call It a Star.

Sa launching nila, kinanta at sinayawan ng grupo ang kanilang debut single na, Race Car. Ito’y isinulat ng batikang composer na si Marcus Davis.

Ang Calista ay mapapanood sa kauna-unahan nilang concert na Vax to Normal, na maituturing na the most anticipated concert event of the year. Gaganapin ito sa April 26, 2022 sa Smart Araneta Coliseum at dito’y magpapakita ang grupo ng kanilang galing sa pagkanta at pagsayaw. Prodyus ng Merlion Events Production, Inc., guest performers sa tribute concert sina Yeng Constantino, AC Bonifacio, Elmo Magalona, Andrea Brillantes, Darren Espanto at Ken San Jose.

Ang Vax to Normal concert ay mula sa direksyon ni Nico Faustino, dance choreography nina Nesh Janiola at Carlos Serrano III at Soc Mina bilang musical director.

Ang concert ay isang pagpupugay sa frontliners ng bansa, lalo na ang mga healthcare workers na itinuturing na mga makabagong bayani sa paglaban natin sa Covid-19.

“Natutuwa ako na unti-unti na tayong nakakabalik sa normal. Hopefully, magtuloy-tuloy na ito. Hindi magiging posible ito kung hindi sa tulong ng ating frontliners. Marapat lang na bigyan sila ng pagpupugay sa lahat ng kanilang nagawa. Ito rin ang paraan namin para magpasalamat sa kanila. Sa panahong ito, importante rin ang makapagbigay tayo ng aliw tulad ng concert na ito para makapaghatid ng pag-asa,” wika ni Tyrone Escalante.

Para sa karagdagang detalye sa Vax to Normal, bisitahin ang kanilang website na melionproduction.com. Para makilala ninyo pa nang lubos ang Calista, puwedeng pumunta sa kanilang website na calistasocials.com at i-follow sila sa Facebook (Calista PH), Instagram (@calistamusicofficial), Twitter (@calistasocials), Tiktok (@calistamusicofficial) at You Tube (Calista PH).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …