SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
MAKULAY ang buhay ni Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 celebrity housemate, Karen Bordador kaya hindi nakapagtatakang itampok ang kanyang buhay sa longest-running drama anthology sa bansa na Maalaala Mo Kaya na gagampanan ng baguhang Kapamilya actress na si Kaila Estrada.
Aminado si Karen na malaking karangalan sa kanya ang itampok ang kanyang buhay sa MMK, hosted by Charo Santos dahil itinuturing niyang iconic ang show na ito.
“I’ve always said ‘MMK’ is the most iconic show in the entire world not just the Philippines for all the Pinoys. It is such an honor to have my story told there.
“Tapos it’s a two-part episode pa. Parang wow! On a very beautiful month where it celebrates women. So to see it in a video and see all the actresses play the part, you know I used to live it for five years quietly on my own.
“Tapos sabi ko, ‘I wonder if one day someone would like to share this story?’ I’d write it in my planner, every single detail of what happens to me in a day and it’s going to be in a two-part episode. Who is able to say that, ‘di ba? It’s amazing,” ani Karen.
Isa sa magiging highlight ng MMK episode ay ang naging buhay niya nang makulong sa loob ng limang taon sa Pasig City Jail dahil sa kasong illegal drugs at ma-acquit matapos kampihan ng korte.
“Inside sa jail we call it kulong-bia or hong-kulong para lang mas light, nag-uusap-usap kami sa loob na one day mag-‘MMK’ ka, ha.
“Tapos in less than six months they reached out, I think within two months na nakalaya ako. So what you dream about, it really happens when you pray for it.
“So, I’m going to make a lot of people inside kulong-bia very proud. Ha-hahaha! So I can’t wait. Honestly I could not expect less.
“Kasi si Lord talaga ‘pag inilagay ka sa isang sitwasyon, I will be loud and proud about it, talagang the longer and the harder the pain is, the greater the happiness and joy that you will get.
“So to everyone out there, if you’re experiencing anything really bad in your life, expect the most beautiful thing to happen to you soon. So kapit lang tayong lahat guys. God is good,” sambit ng dating PBB housemate.
Umaasa si Karen na sa pamamagitan ng kanyang life story, mas maraming mae-empower na kababaihan sa kabila ng mga pinagdaraanang challenges.
Panoorin ang two-part life story ni Karen sa Maalaala Mo Kaya sa Sabado, sa A2Z, Kapamilya Channel at iba pang platforms ng ABS-CBN. Bukod kay Kaila tampok din sina Lou Yanong at Shamaine Buencamino at idinirehe ni Raz dela Torre.