PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
MASAYANG ibinalita ng Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan sa kanyang social media accounts ang pagsisimula at pag-arangkada ng bagong pet project ng Beautederm Corporation at ng advocacy arm nito na ContriBeaut—ang Beaute On Wheels.
Napili ni Ms Rhea na simulan ang Beaute On Wheels sa kanyang hometown sa Vigan, Ilocos Sur at sa alma mater niyang University of Northern Philippines. Nakasama pa niya ang isa sa ipinagmamalaking ambassadors ng Beautederm, ang Grandslam Queen na si Lorna Tolentino.
Ayon sa Facebook post ni Ms Rhea, “I’m so happy that the very first leg of Beauté On Wheels happened in my hometown – Vigan. I was so ecstatic to share & showcase Beautéderm to my fellow Ilocanos with no less than one of my dearest Brand Ambassadors — Grand Slam Queen, Ate Victoria Lorna Fernandez Thank you UNP Vigan for your warm welcome! My Beloved Alma Mater!
“Agyaman nak unay Sir Pres Erwin F. Cadorna As education plays a key role in making our dreams come true. I formally announced last Feb 25, that Beautéderm ‘s advocacy arm Contribéaut is now accepting applications for our second batch of scholars.
“And eyy!! I’m so pumped up to visit the next amazing destinations of Beauté On Wheels!
“Watch out for Beauté On Wheels guys — the next stop might be in your town! Excited and Grateful Much!”
Iyan ang nakabibilib sa Beautederm dahil hindi lang gumaganda physically ang mga tao sa paggamit ng mga produkto nito, pero nakatutulong din ang kompanya para mapaganda ang buhay ng marami nitong natutulungan sa ilalim ng ContriBeaut.
Bukod sa pagkakaroon nito ng scholars ay marami rin itong natulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng supplies sa health workers at frontliners gayundin sa pagbigay ng ayuda sa maraming nangangailangan nitong panahon ng pandemya.