Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Meg Imperial Tom Rodriguez Carla Abellana

Meg Imperial bagong itinuturong dahilan ng hiwalayang Tom at Carla

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI pa rin tapos ang usapin ukol sa tunay na dahilan ng hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana. Matapos madamay ng beauty queen turned actress na si Kelley Day at ni Lovi Poe, si Meg Imperial naman ang pinagpipiyestahan ng mga Marites.

Nauna nang idinenay nina Lovi at Kelly ang pag-uugnay sa kanila kay Tom. Parehong nakatrabaho ni Tom ang dalawang aktres sa mga serye sa GMA 7. At tulad ng dalawa, katrabaho rin ng aktor si Meg sa pelikulang The Last Five Years.

Alam ni Meg na may pinagdaraanan si Tom at alam din niyang iniuugnay siya rito. kaya naman mabilis niyang nilinaw ang mga bagay-bagay.

Aniya sa isang interbyu, “I have been friends with them, pareho, constant naman ‘yung communication with both of them since they are both part niyong platform that I have mentioned to you before, so roon lang ‘yung naging focus ko.”

At kung hindi makapag-promote si Tom ng kanilang pelikula, okey din lang kay Meg.

“Naintindihan ko naman kung ano ‘yung pinagdaraanan nila. I love this film, so wala naman sa akin kung i-promote ko ito ng ako lang,” ani Megsapanayam.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …