Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Luis Manzano Jessy Mendiola

Jessy inaming immature, ikinokompara ang career kay Luis

MA at PA
ni Rommel Placente

MAGKASAMA ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola sa You Tube channel ng una para pag-usapan ang naging journey ng kanilang relasyon. Ito ay bilang pagdiriwang ng kanilang first wedding anniversary as husband and wife.

Inamin ni Jessy na immature pa siya sa umpisa ng kanilang relasyon ni Luis o ng kanyang Howhow, na term of endearment nila ng aktor/TV host.

Sabi ni Jessy kay Luis, “Bago tayo ikasal or even noong bago pa ang relationship natin, I would always compare myself sa iyo, ‘yung achievements ni Howhow.

“Siyempre, hindi naman din joke ‘yung negativity na natanggap natin noong nagsimula relationship natin, ‘di ba?

“And even the impact sa career ko, medyo, alam mo ‘yun? Medyo nabahiran ng masamang image.

“Dumating din talaga sa point na parang ako nagkaroon ng wake-up call na feeling ko, parang sobrang immature ko.”

Ayon pa kay Jessy, part ng pagiging immature niya ay ‘yung ikinukompara niya ang career niya kay Luis.

“May mga moment na, ‘Bakit siya ganoon, ‘tapos ako hindi?’ May mga ganoon eh, ‘di ba?

“Ngayon, that’s what I’ve learned, na siyempre iba ‘yung journey mo, iba ‘yung journey ko. Iba ‘yung path mo, iba ‘yung path ko, but we also have a journey together.”

May payo si Jessy sa mga magkakarelasyon.

To all married couples, or kahit mag-boyfriend-girlfriend kayo, you have to still value that individuality. Like ako, dumating talaga sa point na parang feeling ko dapat naka-intertwine sa iyo ‘yung path ko.

“Mag-asawa tayo o mag-boyfriend-girlfriend tayo, yung mundo ko, ginawa kong siya. And dapat ‘yung mundo niya, nandoon ako lagi.

“But then, it’s not always like that. You have to be independent also. You have to do your own thing and you have to find your path, ‘di ba, and purpose,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …