Tuesday , November 19 2024
Aga Muhlach Atasha Muhlach Andres Muhlach

Aga ‘di na nahirapang pakawalan ang kambal

MA at PA
ni Rommel Placente

SA zoom media conference ng upcoming magazine show ng Net 25 na Bida Kayo Kay Aga, sinabi ng host nito na si Aga  Muhlach na silang dalawa na lang  ng asawang si Charlene Gonzales ang magkasama sa bahay.  Ang kambal kasing anak nila na sina Atasha at Andres ay nasa ibang bansa na para roon mag-aral.

Si Atasha ay nag-aaral sa Nottingham sa United Kingdom. Si Andres naman ay sa Spain.

Ayon kay Aga, hindi naging mahirap sa kanila na pakawalan ang mga anak.

Aniya, “Hindi naging masyadong mahirap para sa amin ni Charlene na umalis ang mga anak namin at pumasok sa kolehiyo dahil mula noong nag-asawa kami ni Charlene, napag-usapan na namin iyan.

“’Na at the the end of the day, tayong dalawa ang magkasama talaga. Ang mga anak natin ay nilikha natin, nilikha ng Panginoon.’

“‘Pero ang ibig kong sabihin, ang anak natin, paglaki ng mga iyan, mag-aasawa, iiwan din tayo, magpapamilya. Importante, tayong dalawa magkasama talaga.’

“So, nasanay kami nang ganoon,” lahad ni Aga.

Malaking bagay din na may video call at iba pang messaging apps ngayon kaya may communication sila ni Charlene sa  kambal.

Also, at the same time, napakaganda rin ng nangyayari sa ngayon because of the internet also, hindi mahirap.

“Puwede kayong mag-usap araw-araw, puwede kayong magkita on this Facetime, with all these apps, para magkita-kita kayo at magkausap.

“Pamilyang malayo sa isa’t isa, nandiyan lahat iyan.

“Plus again, noong kalagitnaan ng pandemya sa Europa at America, medyo bukas sila nang kaunti so, mas nakaiikot ang mga anak ko roon.

“Masaya kami kaysa nakakulong sila rito. Mabuting nandoon sila at nakagagala sila.

“Pangalawa, masaya rin kami more than malungkot dahil alam namin ang mga anak namin, nagiging independent.

“Dahil sila lang ang nandoon, natututo silang kumilos mag-isa, mag-ayos ng kuwarto nila, magluto, mag-ayos ng gamit nila, mag-budget ng pera nila, lahat,” aniya pa.

Ang Bida Kayo Kay Aga ay mapapanood na simula sa March 12, Sabado at 7:00 p.m. 

Sa naturang show ay ipi-feature ni Aga ang mga taong may magagandang naitutulong sa kanilang kapwa.  

About Rommel Placente

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Miss Universe crown

Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo …

Roderick Paulate Mga Batang Riles

Roderick balik-GMA, ABS-CBN masikip na sa 2 Rhoda

I-FLEXni Jun Nardo NATUWA naman kami nang makita si Roderick Paulate sa trailer ng coming GMA series na Mga Batang …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …