Friday , November 15 2024
Lopez Quezon

Walang illegal detention ng konsehal ng Quezon

TAHASANG sinabi ng isang criminal lawyer na walang ilegal sa naganap na detention sa isang konsehal ng Lopez, Quezon.

Sa isang panayam sa DZXL ng batikang radio broadcaster na si Ely Saludar kay Atty. Merito Lovensky Fernandez ay sinabi nito na ang nangyaring pagkakakulong ni Lopez, Quezon Councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde sa Pangasinan ay isang legal na pangyayari at hindi ilegal.

“Kung ito ay may asunto sa korte, ibig sabihin ay naisyuhan ito ng warrant of arrest kaya siya nakulong. So ‘yung kanyang detention is not illegal. Na-detain siya because of a case and warrant of arrest na na-issue.”| pahayag ni Atty. Fernandez.

Sinabi ng abogado, wala rin aniyang pananagutan ang korte at ang mga pulis na nag-issue ng warrant of arrrest at humuli kay Yulde hanggang siya ay makulong.

“Wala pong liability ang mga pulis at ang korte dahil may presumption of regularity po lahat ‘yan. ‘Yung pong mga pulis they acted on the basis of the warrant of arrest. ‘Yung judge naman po will not issue a warrant of arrest kung wala siyang nakikitang probable cause dun sa kaso, kaya siya nag-issue ng warrant. Those are legal.”

Idinagdag ni Atty Fernandez… “kahit nga po ‘yung fiscal na nag-imbestiga, nag-preliminary investigation, wala rin pong liability.”

Ayon kay Atty. Fernandez, “sa theory nila dahil na-dismiss ang kaso at sinasabing spurious daw po ang mga documents na ginamit, ‘yun ang dahilan kung bakit siya nakulong, kaya serious illegal detention.”

Binigyang diin ni Atty. Fernandez, hindi uubra ito dahil aniya… “regardless of the outcome of the case, kahit pa na-dismiss ‘yun ay hindi puwedeng kasuhan ang complainant o ‘yung nag-build up ng kaso at kasuhan ng illegal detention.

Upang maipaliwanag nang husto ay binigay na halimbawa ni Atty. Fernandez ang kaso ni Hubert Webb na nakulong nang matagal na panahon.

“ Yung kaso ni Hubert Webb na nakulong nang matagal na panahon, pero pag-akyat sa Supreme Court na-reverse ang kaso at na-dismiss dahil hindi pinaniwalaan ng Supreme Court si Jessica Alfaro… Does it mean na puwedeng kasuhan ni Hubert si Jessica ‘pag ang NBI ang nag-build up ng kaso? Hindi po. So regardless of the outcome of the case, walang liability na serious illegal detention,” ayon sa abogado.

“This is more a political propaganda to smear the name of congresswoman Helen and director Ronnel Tan than a case!” dagdag ni Atty Fernandez.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …