Wednesday , May 14 2025
Martin Romualdez Scouts Royale Brotherhood Marcos-Duterte UniTeam

Scouts Royale Brotherhood, sumusuporta sa plataporma ng Marcos-Duterte UniTeam

NAGKAISA ang National at International Officers ng Scouts Royale Brotherhood International Service Fraternity and Sorority, Inc. (SRB) na suportahan sina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at vice presidential aspirant Mayor Sara Duterte sa halalan sa Mayo.

Sa Manifesto na iprenesinta ni SRB Chairman Emmanuel Sipin kay House of Representatives Majority Floor Leader Martin Romualdez na kumatawan sa UniTeam, nakasaad na kombinsido sila ng isinusulong na pagkakaisa sa bansa ng tambalang BBM-Sara sa pagbuo ng produktibong hinaharap mula sa epekto ng CoVid-19 pandemic.

Inihayag ng SRB na ang unity platform ng Marcos-Duterte tandem ay consistent sa vision ng kanilang grupo sa paghubog sa mga indibiduwal na nais maglingkod sa kapatiran para sa mas magandang lipunan.

Sa ilalim ng liderato ng tambalang Marcos-Duterte, nakikita ng SRB ang sama-samang pagtatatag ng mas matibay na nasyon na ang layunin ay mapagbuti ang pamumuhay ng mga Filipino.

Tiniyak ni Romualdez, si BBM ay may kakayahan at handa sa trabaho bilang Pangulo ng bansa.

Idinagdag ni Romualdez, si BBM ay desididong maglingkod, at sa tulong ni Mayor Inday Sara, ay tiyak na ang pagbangon at tagumpay sa pagpapaangat ng pamumuhay ng mga Filipino.

Tiniyak din ng SRB ang suporta sa Tingog Partylist na consistent din sa kanilang vision.

Ang Manifesto ng SRB ay tinanggap ni Tingog Partylist second nominee, Jude Acidre. Ang iba pang nominees ng Tingog Partylist ay sina Congresswoman Yedda Marie Romualdez at Karla Estrada.

Nagsilbing host sa event si Atty. Sheila Manuel, spokesperson ng United Pilipinas, na parallel group ng Uniteam na binubuo ng 30 organizations na may 2.7 million members. Present din sa event si Victor Manuel, na pinsan ni Marcos.

Si dating MMDA Chairman Benhur Abalos, na national campaign manager ni BBM, ay miyembro ng SRB Fraternity Don Bosco Mandaluyong Chapter.

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …