Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quinn Carrillo

Quinn Carrillo, ratsada  sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NATUTUWA kami para kay Quinn Carrillo dahil kaliwa’t kanan ngayon ang projects ng talented na aktres/singer/dancer.

Ratsada nga si Quinn ngayon, kabilang sa ilang ginagawa niyang pelikula ang Expensive Candy na tinatampukan nina Carlo Aquino at Julia Barretto, at ang Island of Desire ni direk Loel Lamangan, starring Christine Bermas at Sean de Guzman.

Kuwento ni Quinn, “May gagawin din po kami this month kay direk Joel ulit, kasama ko po rito si Angelica Cervantes. Then next month ay kay direk Bobby Bonifacio, Jr., naman po, kasama ko si Cloe Barreto naman.”

Nabanggit din niya ang isang project na sobra siyang excited.

Lahad ni Quinn, “Iyong gagawin po namin kay direk Bobby Bonifacio ang pinaka-excited ako, kasi ako po ang sumulat nito and then makakasama po namin si Ms. Jaclyn Jose rito.

“Actually, iyong sa pagiging writer ko po sa movie’ng ito, bale bigla lang po akong may naisip na kuwento. E bata pa lang po ako hilig ko na kasi ang magsulat. Noong sa Eva (movie) kasi, nakasama ko po si direk Dennis Marasigan na siyang writer ng eva. Prof din po kasi siya sa school na pinapasukan ko, then nanghingi ako ng tips sa pagsusulat kasi I’ve always wanted to try nga po.

“So, sabi niya just go for it. So ayun, may naisip akong kuwento, then pinitch ko kay mommy at natuwa sila. So, we pitched again to other producers na natuwa naman po, even sila direk Bobby, nagustuhan po ‘yung kuwento.”

Ano ang feeling na sunod-sunod ang projects niya ngayon?

Masayang tugon niya, “Masaya po siyempre, kasi kahit pa-minor-minor roles ay nabibigyan pa rin po ako ng projects and nagtitiwala pa rin po ang Viva sa akin, saka mga directors.

“Nakaka-overwhelm po talaga, na minsan ay ‘di ko rin alam kung ano ‘yung mararamdaman ko. Basta ang alam ko po, I’m really thankful na nabibigyan po ako ng projects.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …