Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mike Defensor Precious H Museum of the stars

Museum of the stars itatayo ni Defensor (‘pag nanalong mayor ng QC)

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAGANDA kung matutuloy at mananalong mayor ng Quezon City si Partylist Representative for Anakalusugan Mike Defensor na maraming plano para sa entertainment industry.

Ipinahayag ni Defensor nang makatsikahan namin ito sa Music Box sa Timog, QC na kasama sa plataporma niya ang pagpapalawak at pagpapalakas ng arts and entertainment sa QC lalo pa’t tinaguriang showbiz capital of the Philippines.

We really have to establish Quezon City as an eco-tourism center. And definitely, ‘yung sa showbiz set-up, we have to develop that. We are the Holywood of the Philippines at kailangan tayong mag-take-advantage riyan.

“Magtayo tayo ng museum, magtayo tayo ng areas, let’s say, mismong sa stations like in GMA-7, ABS-CBN, even in the defunct Channel 5 sa Novaliches, na mayroong areas na pupuntahan ang mga tao for tourism” anito.

Plano niyang magtayo ng Museum of the Stars sa Quezon City at ibalik ang QC Film Festival.

Basta ito ang pangako ko sa inyo, we will have the best film festival in the country. I can promise you that,” sambit pa ng Kongresista.

Plano rin ni Defensor na magtayo ng film school for film workers para lalo pang mapalakas ang entertainment industry.

Iginiit pa ni Defensor na bibigyan niya ng trabaho ang mga empleado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho.

Ani Cong Mike kung mabibigyan ng bagong franchise ang bagong nagma-may-ari ng frequency ng ABS-CBN ay muling maha-hire ang mga dating empleado ng network.

Kung bagong kompanya, ‘yung issue dati, hiwalay ho ‘yun, eh, ‘di ba? So, itong bagong kompanya, we all know that it’s the Villar family who took over, and they will apply for a franchise, definitely, we will help. 

“And we hope that it will still be in Quezon City. We hope that the existing facilities will be utilized by this new company, whatever company it will be. Na rito pa rin magamit ‘yung lugar at pasilidad ng ABS-CBN.

“So, it means, ‘yung previous employees ng ABS-CBN will definitely have their jobs back,” paliwanag pa nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …