Saturday , November 16 2024

Hindi kami bayaran at lalong hindi nabibili lahat ay volunteerism

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

IYAN ang pagkondena at galit na kasagutan ng mga supporter ni Vice President Leni Robrero, tumatakbong pangulo para sa May 2022 elections, sa akusasyon sa kanila ng isang mambabatas na sila raw ay mga bayaran, hinakot, at pinasuot ng unipormeng kulay pink para dumalo sa grand rally ng Leni-Kiko tandem na ginanap sa Cavite nitong nakaraang linggo.

Ang mga nagpahayag ng galit ay ilan sa 47,000 supporters ni Leni na dumalo sa ginanap na grand rally sa Cavite.

Eleksiyon na at talagang hindi na ito mapipigilan. Alin ang hindi na puwedeng pigilan? Of course ang aktuwal na botohan para sa bagong presidente ng Filipinas. Iyon lang ba? Meron pa, kung hindi maging ang kaliwa’t kanan bangayan ng mga kandidato…at ng kani-kanilang supporters.

Pero ang nakatutuwa lang naman dito ay…mabuti na lamang at hanggang ‘word war’ lang ang nangyayari. Sana nga hanggang patutsadahan lang.

Heto nga, sinasabing matapos akusahan ni Congressman Boying Remulla na pawang ‘bayad’ at ‘komunista’ ang mga dumalo sa campaign rally nina Leni at Kiko Pangilinan, tumatakbong vice sa piket ni Robrero, aba’y naturalmente na magagalit ang mga dumalo. Akusahan ka ba naman ng kung ano-ano.

Pero, ano pa man, totoo nga bang inakusahan mo sila ‘ginoong mambabatas’ na pawang mga bayad at komunista?

Sa pag-akusa, nagalit ang ilan sa tagasuporta ni VP Leni kaya, kanilang tinawag na sinungaling at desperado si Remulla. Desperado? Bakit? A, dahil ba sa hindi inaasahang pagdami o paglobo ng supporters ni Leni sa pagkapangulo. Akalain n’yo nga naman kasi, umaabot sa 47,000 katao ang dumalo sa “Grand Caviteño People’s Rally for Leni-Kiko” na ginanap sa General Trias City nitong 4 Marso 2022.

Karami nga naman, 47,000 supporters. Napakalaking boto nito ha. Teka hindi ba sinasabing teritoryo na ito (Cavite) ng isa sa katunggali ni VP Leni. E ba’t umabot sa 47,000 suporters ang dumalo at nagpahayag ng kanilang suporta kay VP?

Well, patunay lamang ito na isang kasinungalingan ang sabi-sabi na teritoryo na ng numero unong kalaban sa pagkapangulo ni Leni, ang lalawigan ng Cavite. ‘Ika nga, listen to the voice of the people at hindi ng iilang politikong ipinangako ang lalawigan.

Kunsabagay, lalawigan naman ang ipinangako at hindi ang mga boto. Malinaw? Hehehe.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami na si Remulla ay kilalang tagasuporta ni dating Senador Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr. At sa isang programa sa DZRH nitong 5 Marso 2022, sinabi ni Remulla na pawang mga hinakot ang mga dumalo sa rally ng Leni-Kiko tandem. Nabanggit pa raw ng mambabatas na namahagi ng uniporme at ‘token’ sa mga dumalo ang mga kandidatong nagdaos ng rally. Totoo bang nasambit n’yo ang mga akusasyon na ito Mr. Cong. Remulla?

Sinasabing hinakot dahil may mga jeep, may t-shirt na color pink, may staging area. Ano pa? At paano raw sabihin indigenous kung naka-uniporme ng kulay pink.

Heto pa, ang mga dumalo daw sa sortie ay ‘trained’ ng mga komunista – mga estudyante, mga aktibista, makakaliwa, mga trained ng NDF. May mga dalang bandera raw pero kulay pink. Siyempre naman, alangan naman kulay pula e, ano ba ang kulay ni Leni? Hindi ba pink?

Si Remulla ay kasalukuyang Senior Deputy Majority Leader ng mababang kapulungan ng Kongreso. Isa siya sa 70 kongresistang nagbasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa Facebook account ni Austin Simon Atun, isa sa mga pumunta sa sortie, nagpahayag siya ng pagkadesmaya. Aniya, “hindi kami bayad at kailanma’y ‘di mabibili.”

“No one paid us, no one forced us to come there and show support. Every single thing that happened yesterday was all because of volunteerism, love and the willingness of the people to have a clean and decent government after a very long time. The people have spoken, that’s the truth,” wika ni Atun.

Direktang tinawag ni Atun si Remulla sa pagsasabing… “nakahihiyang magkaroon ng isang tulad mo rito sa Cavite. Bukod dio, tinawag ni Atun si Remulla na isang trapo, bulok, mapagpakalat ng gawa-gawang impormasyon at sinungaling.

“Hindi kami tumindig nang ilang oras, naglakad ng pagkahaba-haba at nagpakagutom para lang sabihin n’yo na binayaran at hinakot kami. Hindi nababayaran ang moral at prinsipyo namin,” pagkondena ni Atun.

Anang mga dumalo, ang lahat ng ginastos ng organizers sa kaganapan ay galing sa donasyon. Bukod sa pagsasabing ang lahat ay volunteerism.

“Yes po, DONATIONS ng mga kapwa kakampinks din. Tumayo kami doon at naghintay for almost 9 hours dahil ipinasara ninyo ang ibang kalsada papunta sa Gen. Trias tas tatawagin n’yo kaming bayaran? Wala naman kayong proof! Volunteerism po ang tawag sa ginawa namin. ‘Di kami naghakot gamit ang trucks,” ika ni Miggy Arantton.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …