Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diego Loyzaga Barbie Imperial

Diego at Barbie nakitang magkasama sa isang restoran

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KUMALAT sa social media ang litrato nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial na magkasama sa isang restoran sa Pasig kamakailan. Kaya naman kasunod nito’y ang pagtatanong ng mga Marites kung nagkabalikan na ang dalawa?

Unang nakita ang litrato nina Diego at Barbie ba magkatabi kasama ang isang non-showbiz sa isang post sa Facebook. Sa caption ng picture, sinasabing may endorsement ang binata ni Teresa Loyzaga.

After ng unang post, inirepost ito kaya muli marami ang nagtanong kung nagkabalikan na ang dalawa at kung bago uli ang picture na iyon.

Marami namang netizens ang umasang sana nga ay nagkabalikan na ang dalawa.

January, 2022 nang kumalat ang usapang hiwalay na ang dalawa nang mapansin ng netizens na hindi kasama ng aktor ang aktres nang magtungo ito sa Amerika.

Wala na ring ipino-post na mga litrato ang dalawa na magkasama sa kani-kanilang social media. 

February 3, 2022 nang kinompirma na ni Barbie na hiwalay na nga sila ni Diego.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …