Sunday , December 22 2024
Heart Evangelista Leni Robredo

Heart bilib sa porma ni Robredo sa CNN debate

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NANGUNA si Heart Evangelista sa pumuri sa kasuotan ni Vice President Leni Robredo sa CNN presidential debate.

At bilang reaksiyon sa komento ni Jojo Terencio na bagay kay Robredo ang kanyang suot, nag-tweet si Sorsogon Gov. Chiz Escudero ng, “Agree po… Pati wardrobe tinitingan ko na rin hahaha (heart’s influence on me perhaps) and it was also on point.”

Ayon kay Escudero, inilarawan ni Heart ang suot ni Robredo bilang “chic.” Para naman kay Escudero, ang suot ng Bise Presidente ay elegante pero simple.

Sa isang hiwalay na tweet, pinuri ni Escudero ang magandang pakita ni Robredo sa debate, at tinawag pa ang Bise Presidente bilang “very presidentiable, full of substance, to the point & humble yet confident!”

Sumagot naman si Robredo sa tweet ni Escudero ng, “Thank you very much, Sen Chiz. Means a lot.”

Nagkaisa rin ang mga celebrity at netizens na si Robredo ang pinakahanda sa lahat ng mga kandidato bilang pangulo na dumalo sa debate.

Great job at the Presidential Debate, Ma’am Leni! That’s MY PRESIDENT!!!” wika ni Megastar Sharon Cuneta, asawa ng running mate ni Robredo na si Senator Kiko Pangilinan, sa isang Facebook post.

Kahit si @glocdash9 mahihirapan sabihin sa given time lahat ng itunulong ni VP @lenirobredo sa pandemic. Kulang na kulang ang oras para masabi yung sobrang daming nagawa,” wika naman ng stand-up comedian na si Red Ollero (@comedybyred)

Bago ang debate, ilang artista rin ang nagbahagi ng larawan ng pagdating ni Robredo sa University of Sto. Tomas at nagpaabot ng pagbati, gaya ng aktor na si Edu Manzano, aktres na si Cherry Pie Picache, at mga singer na sina Bituin Escalante at Sam  Concepcion.

Is this a Presidential look or is this a Presidential look?” tweet ni Manzano.

VP Leni looks Presidential. Wow,” tweet naman ni Concepcion.

That’s my President!!!,” komento ni Picache.

Sa nasabing debate, binanggit ni Robredo ang kanyang mga programa ngayong pandemya, gaya ng libreng test kits, libreng dormitoryo, shuttle ride at PPE sets para sa frontliners, community learning hubs, job-hunting platforms, libreng teleconsult services, at drive-thru vaccination, at marami pang iba.

Tiniyak din ni Robredo na siya’y magiging hands-on na pangulo, lalo na tuwing may krisis, dahil ito’y pagpapakita ng liderato.

Ako bilang presidente, in every crisis, ako mismo ang mangunguna. Nakita natin during the pandemic na kailangan natin ng isang pangulo na nagli-lead sa front,” wika niya.

Yung number 1 ingredient ng leadership aside from character is you show up in the most difficult times. Kapag hindi ka nag-show up in the most difficult times, hindi ka leader,” dagdag pa ni Robredo.

Ang hashtags #IpanaloNa10To at #10RobredoPresident ay nag-peak sa No. 2 at No. 4 trending topics sa buong mundo, ayon sa pagkakasunod, habang nangyayari ang debate.

Habang isinusulat ito, ang #IpanaloNa10To ay No. 3 trending topic sa buong mundo.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …