Friday , November 22 2024
Lopez Quezon

Konsehal sa Lopez Quezon, nahaharap sa mga kasong paglabag sa “Bayanihan Act”

MULING nasasangkot sa panibagong kaso si Lopez, Quezon councilor Arkie Yulde dahil sa paglabag sa mga probisyong nakasaad sa Republic Act No. 11469, o mas kilala bilang “Bayanihan To Heal As One Act.”

Ito’y matapos maghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman si Isaias Bitoin Ubana II, at inilahad ang mga pagkakataong inilagay ni Yulde sa delikadong sitwasyon ang mamamayan ng Quezon sa gitna ng pagkalat ng CoVid-19 noong buwan ng Mayo 2020.

Panimula ng nagreklamo, nag-post si Yulde ng isang flowchart at tinawag itong “guidelines on the implementation of community quarantine” sa kaniyang Facebook page.

Batay sa reklamo, hindi ito ang opisyal na guidelines mula sa Inter-Agency Task Force on the Management of the Infectious Diseases (IATF-EID) na siyang tanging gumagawa ng pag-aaral at mga rekomendasyon ng pamahalaan tungkol sa CoVid-19.
Dagdag nito, tadtad ng technical errors at maling impormasyon ang nasabing flowchart dahil hindi naman miyembro si Yulde ng IATF sa nasabing lugar, at dahil sa maling impormasyon, nagresulta ito sa pagkalito ng mga residente.

Sa pangalawang pagkakataon, muling nilabag ni Yulde ang batas, dahil hindi ito dumaan sa tamang proseso sa pagsasagawa ng relief goods distribution.

Ayon sa batas, hindi pinapayagan ang pagsasagawa ng relief goods distribution na walang kaukulang permit at koordinasyon, ito ay para masiguro na ligtas itong ipinapatupad batay sa mandatory health protocols na inilatag ng IATF.

Sa ginawang relief goods operations sa iba’t ibang barangay ng Lopez, makikita sa ilang larawang inilabas sa Facebook page nito, walang suot na facemasks — isa namang mariing paglabag sa RA 11469 at sa Municipal Ordinance 2020-04 (annex ‘n’) na binuo ng Sangguniang Bayan ng Lopez, na miyembro ang nasabing konsehal.

Dahil umano sa garapalang paglabag sa batas, makailang beses inilagay sa panganib ang mamamayan ng Lopez mula sa CoVid-19.

Si Yulde ay tumatakbo bilang alkalde sa bayan ng Lopez, sa ilalim ng LAKAS-CMD, na pinamumunuan ni gobernador Danilo Suarez bilang co-chair ng partido.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …