Monday , November 18 2024
Ping Lacson Tito Sotto
Ping Lacson Tito Sotto

Ping: Boses ng bayan mananaig sa halalan

TIWALA si Partido Reporma standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson na magwawagi ang tunay na boto ng mga Filipino sa darating na May 9 presidential elections na sasalamin sa kanilang paninindigan at hindi lamang galing sa mga lumutang na survey.

“I remain unperturbed doon sa survey results kasi ang talagang totoo lang na dapat tingnan natin ‘yung May 9. Kasi kung paniniwalaan natin ‘yung resulta ng mga survey, lahat kaming nakatayo roon (sa debate) kagabi talo,” sabi ni Lacson sa mga mamamahayag na nag-antabay sa kanyang pagbisita sa lalawigan ng Quezon ngayong Lunes.

Matapos idaos ang debate para sa mga vice presidential at presidential candidate, nagtungo si Lacson at running mate niya na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa Lucena Fish Port Complex (LFPC) sa Barangay Dalahican para makipag-dialogo at konsultahin ang sektor ng mga mangingisda.

Dito muling inihayag ng Lacson-Sotto tandem na hindi sila nababahala sa resulta ng mga inilalabas na resulta ng pre-election poll dahil personal nilang naoobserbahan kung ano ang tunay na nangyayari sa mga komunidad.

Ngayong nasa 70 araw na lamang bago ang araw ng halalan, umaasa si Lacson na unti-unti nang mapapatunayan ng mga Filipino kung sino talaga ang pinakakalipikado para mamuno sa ating bansa.

Naniniwala siyang magiging independent at hindi basta-basta magpapaimpluwensiya ang mga botante sa kung ano lamang ang nakikita sa panlabas na katangian ng mga kandidato.

Marami pa rin aniya ang posibleng mangyari sa mga susunod pang mga araw, lalo kung lahat ng mga kandidato ay dadalo sa mga debate katulad ng isinagawa ng CNN Philippines nitong Linggo.

“Walang tutor, walang script, pati cellphone ipinagbawal n’yo pa, so walang makapaggo-Google. So, dito masusukat, maaarok ‘yung wisdom ng bawat isa sa amin, at hindi lamang ‘yung wisdom kundi ‘yung grasp sa mga issues— current issues, past issues,” sabi ni Lacson sa nasabing debate.

“Dapat talaga i-encourage pa natin na magkaroon pa ng ganitong klase ng debate na face-to-face at sana kaming lahat nandito,” dagdag niya.

Tuloy-tuloy ang Lacson-Sotto tandem sa pagkonsulta sa iba’t ibang mga sektor sa kanilang pagbisita sa mga lalawigan. Ngayong linggo, bukod sa Quezon Province, nakaplano rin ang pagpunta nila sa Camarines at Sorsogon sa Bicol.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …