Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Angel Locsin Bimby Josh

Kris itinuturing na “friend for life” si Angel

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

ITINUTURING ni Kris Aquino na totoong kaibigan at “friend for life” si Angel Locsin kaya naman isinama niya ang aktres sa kanyang post-birthday celebration. Kris turned 51 noong February 14.

Ipinost pa ni Kris sa kanyang Instagram ang group photo nila kasama si Angel, na nasa gitna ng mga anak na sina Josh at Bimby.

Ayon sa caption ng IG post ni Kris, “we’ve known each other mula nung baby pa si Bimb, first friend nya ko sa network namin nung bagong lipat sya. Never did i expect na magiging friends for life na kami… Name it, napagdaanan na namin together pero ang maganda, hindi for public consumption.. super small gathering lang for the people i am closest to, more than a week after my birthday…

“Obviously alam namin ni Gel kung anong kulay kami this 2022, BUT happy ako to embrace the rainbow. (well, except for 1 color- for now, gets nyo na, diba?)

“ready, action agad, hindi puro pangako lang ang pagtulong sa mga nangangailangan (kaya nga po nabuo at tumibay ang samahan dahil sa mga relief ops namin). #lovelovelove from Ate/ Ninang Kris & Angel na parehong nagmamahal sa BAYAN. We (love) the (Philippines).”

Ipinost din ni Angel sa kanyang IG ang naturang picture at nilagyan ng caption na, “Small gathering to celebrate ate kris’ birthday! posting this picture because she looks beautiful and healthy here.

“She’s been struggling with her health for sometime now, at na-miss kong naka-glam up & full of energy siya 🙂 love you ate! Mahaba haba na rin ang pinagsamahan natin 🙂 at iba magmahal ang isang Kris Aquino.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …