Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Koko Luy

Dating contestant ng The Voice Kids lalaban sa Miss Teen Universe

 MAY iba nang landas na tinatahak ang dating contestant ng The Voice Kids Philippines na si Kylie ‘Koko’ Luy. Kung noon ay gitara ang dala-dala niya sa pag-perform sa harap ng audience, ngayon naman ay naka-long gown na siya at busy sa pasarela training para maghanda sa nalalapit na Miss Teen Universe na lalaban siya bilang representative ng Pilipinas.

Hindi nga makapaniwala hanggang ngayon si Kylie na mapapasali siya sa biggest and most prestigious teen pageant sa buong mundo at dala-dala niya ang sash ng Pilipinas. Mas gusto niya kasi noon na kumanta at tumugtog ng iba’t ibang musical instruments. Labing isang taong gulang lang siya nang umuwi ng Pilipinas mula London (na roon siya lumaki) para sumali sa pinakasikat na singing competition para sa mga bata- ang The Voice Kids. Ngayong 19 years old na si Kylie, 5’10, pumasok na siya sa mundo ng beauty pageant. 

Aniya, ni sa panaginip ay never niyang na-imagine na lalaban sa ganitong contest. Bukod kasi sa pagkanta at pagtugtog ng musical instruments ay pagguhit ang mas gusto niyang gawin. Sa katunayan, incoming freshman student si Kylie sa ESMOD Fashion Institute sa Paris, France this September. Sa International School Manila (ISM) naman siya nagtapos ng secondary education. 

Sinabi pa ni Kylie na excited siya sa darating na competition na magsisimula ng March 3 hanggang March 7, 2022 sa Dubai, UAE. 

May isa pang ibinahagi si Kylie na bukod sa pagsali sa Miss Teen Universe, nag-compose pala siya ng kanta, ang Hey Mr Perfect. Ang musical arrangement ay ginawa ni Rannie Raymundo at nag-record na siya sa studio ni Vehnee Saturno. Nakapag-shoot na rin siya ng music video at si Anjo Pertierra ang gumanap na Mr Perfect. Dating volleyball player at member ng National Team si Anjo pero ngayon ay isa na sa mga talent ng Virtual Playground, ang talent management ng Reality Entertainment. 

Ani Kylie, nag-enjoy naman siya sa experience ng pag-shoot ng music video at excited na siyang makita ito ng publiko. Magiging available sa Spotify ang kanyang kanta soon. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …