Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maymay Entrata Boyfriend

Vlogger natakot kay Maymay dinilete ang video

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

DELETED na sa YouTube ang video na nagpapakalat ng fake news tungkol sa napapabalitang boyfriend ni Maymay Entrata matapos magbanta ang aktres na idedemanda ang vlogger.

Hindi nagustuhan ni Maymay ang nilalaman ng video na nag-aakusa sa kanyang boyfriend na isang “scammer” at “fake.”

Kaya sa Twitter ay nai-share ni Maymay ang link ng naturang video kasama ang pagbabanta sa vlogger at uploader nito.

Ayon sa tweet ni Maymay, “Description: ‼️FAKE NEWSDescription: ‼️ Kapag di nyo po buburahin at patuloy nyo pong pag s-spread ng false information para manira ng buhay ng ibang tao, wag nyo na po sanang hintayin na aabot tayo sa husgado. Maraming salamat po.”

Kaagad namang dinelete ng vlogger ang video matapos lumabas sa mga entertainment at news websites ang pagpalag ni Maymay. Nag-trending pa sa Twitter ang “RESPECT MAYMAY.” Kaya kapag na-click mo ang link ay lumalabas ang notice na, “This video has been removed by the uploader.”

Noong Valentine’s Day sinorpresa ni Maymay ang kanyang fans sa paglabas niya ng isang larawan sa social media na kasama niya ang aniya’y kanyang “Valentino.”

Dumagsa ang pagbati kay Maymay mula sa kanyang mga tagahaga at ilang kasamahan sa industriya na nagsasabing masaya sila para sa aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …