Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ping Lacson Tito Sotto Paro Paro G

Ping-Tito naki-Paro-Paro G; Ciara pinuri si Magalong

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAALIW kami sa viral video nina presidential candidate Ping Lacson at vice presidential candidate Tito Sotto nang maki-paro-paro G kahapon ng umaga sa kanilang mga supporter.

Sa-video na ibinahagi, practice iyon ng Ping-Sotto tandem sa pagsayaw ng paro-paro G na isa sa kinahuhumalingang sayaw sa Tiktok ngayon. 

Aba, walang sinabi ang mga bagets kina Ping at Sotto sa kanilang paggiling.  Kaya marami ang naaliw sa kanila.

Sa kabilang banda, pinasalamatan ni Ciara Sotto si Baguio Mayor  Benjamin Magalong sa suportang ibinibigay nito sa Lacson-Sotto tandem. Inihayag niya ito nang sumama para ikampanya  ang presidential bet niyang si Ping  at daddy niyang si Tito na kandidatong vice president.

Sa video post niya sa Instagram, makikita ang saya ni Ciara sa mainit na pagtanggap sa kanilang Lacson-Sotto tandem sa Baguio City kamakailan.

“Thank you so much Mayor Magalong of Baguio City for taking us on a walking tour of the iconic Session Road. Thank you so much also, for your unwavering support for the #LacsonSotto tandem,” caption ni Ciaa sa video post.

Para kay Magalong, sina Lacson at Sotto ang kailangang lider ng Pilipinas na may malaking problema dahil  malawak ang karanasan sa pamumuno at may magandang plataporma ang dalawa.

Aniya parang nasa kumunoy ang Pilipinas kaya hindi dapat magbakasakali na subukan ang ibang lider dahil anim na taon ang masasayang upang makaahon ang bansa sa napakaraming problema. Kabilang diyan ang malaki nating utang na dapat bayaran.

Maging si Pauleen Luna ay nag-post din sa kanyang IG account ng pagsuporta sa tandem nina Ping at Sotto. Tinawag niyang “men of integrity” ang dalawa.

My hope is in these two men! Men who fear the Lord, men who values their families, puts our countrymen’s needs first and implements discipline. Men of integrity,” caption ni Pauleen sa picture na itinaas ni Vic Sotto ang kamay nina Lacson at Tito Sen.

“Two of the most experienced, with 42 years of public service (their years put together) i believe that they are who our country needs. True leaders lead by example! Competent, passionate, transparent and God fearing,” sambit pa ng maybahay ni Bossing Vic.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Grace Poe

Pag-angat ni Grace Poe, tampok sa 2028 VP survey ng WR Numero Research

ni TEDDY BRUL MAYNILA — Isa sa pinakamalaking pag-angat sa pinakabagong WR Numero Research survey …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …