ni Maricris Valdez Nicasio
SALUDO ang mga magsasaka sa paninindigan ni presidential aspirant Ping Lacson kaya naman nais nilang ito ang manalo sa darating na eleksiyon.
Anila, si Ping ang tanging kandidato sa panguluhan na kayang manindigan.
“Walang korapsiyon, kasi hindi nga siya tumatanggap ng pork barrel na kung saan-saan lang naman nauuwi,”giit ng magsasakang taga-Nueva Ecija na si Romy.
“Corruption talaga ang rason ng kahirapan. Sana, magkaroon ng pagbabago, malaking pagbabago, mapansin naman sana ang sigaw naming mga magsasaka. Kami ang nagtatanim ng palay, pero kami pa ang nagugutom,”paliwanag pa ni Ka Romy.
Sa kabilang banda, muling nagpahayag ng saloobin si Cristy Fermin ukol kay Lacson. Anang kolumnista, nagkakaisa ang kanyang mga pinsan at kaibigan sa opinyon na sana’y layuan ng ating mga kababayan ang kanilang tingin sa darating na botohan.
Ani Fermin, “anim na taon ang pinag-uusapan sa halalang ito, napakahabang panahon na kailangang isalba sa corruption, kailangan ng politikong may positibong pangarap para sa ating bayang api at mga kamay na tatayo sa ating harapan para masilip ang bagong umaga.