Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miggs Cuaderno Pokwang

Miggs Cuaderno, bilib sa galing ni Pokwang

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAPAPANOOD this Sunday, Feb. 20 ang versatile na young actor na si Miggs Cuaderno sa Regal Studio Presents: Yaya Terror ng GMA-7.

Sina Miggs at Pokwang ang tampok sa partikular na episode na ito na mapapanood sa ganap na 4:35pm sa Kapuso Network.

Ipinahayag ni Miggs ang pagkabilib sa kakaibang husay ni Pokwang sa Regal Studio Presents.

Pahayag ng young actor, “Napakahusay po, kung ano ang hingin ni direk, agad-agad kaya po niyang gawin.

“Kapag pagpapatawa, talagang patawa. Kapag seryoso, naku, seryoso talaga! At kapag galit at kapag iyakan na, ay ang husay at iyak po agad,” pakli pa ng binatilyo.

Wika pa niya, “Kasi alam ko po komedyante siya at kilala siya rito talaga, pero napakahusay niya pong actress.”

Tungkol saan ang episode na mapapanood sa Regal Studio Presents? 

Tugon ni Miggs, “Bale, iyong story po nito is yaya ko po si Ms. Pokwang at nasa abroad ang parents ko po.

“So, sa amin po umikot iyong story and abangan po nila ito, sa February 20 po ipalalabas.”

“Si Ms. Pokwang po rito si Yaya Mila, and ako naman si Jerome… ang director po namin dito ay si Direk Crisanto Aquino.”

Nabanggt pa ni Miggs, masaya siyang makatrabaho rito si Pokwang dahil marami raw natutunan ang binatilyo sa komedyana pagdating sa comedy, pati na rin sa drama.

Si Miggs ay napapanood din sa Prima Donnas Book-2 na tinatampukan nina Aiko Melendez, Katrina Halili, James Blanco, Benjie Paras, Sheryl Cruz, Chanda Romero, Wendell Ramos, Jillian Ward, at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …