“I thank Kris back for posting this on IG. Since it was a quick Q&A from Jessica, my reply came straight from the heart.” Ito ang naging tugon ni Presidential aspirant Ping Lacson sa magagandang salitang ibinigay ni Kris Aquino sa kanya.
“Every word was meant. Truth is the only thing we do not need to memorize,” sambit pa ni Ping kasunod ng pagbati sa kaarawan ng Queen of All Media noong February 14.
Isang art card ang ipinost ni Sen Ping sa kanyang Facebook para kay Kris.
“Happy birthday, Kris! Maraming salamat sa kind words mo sa iyong Instagram post. I pray for your health and happiness. Enjoy your special day,” ani Sen. Ping.
Ang tinutukoy ni Sen. Ping na Instagram post ni Kris ay ang birthday message nito sa kanyang followers na na-mention siya at pinasalamatan ng Queen of All Media.
“From watching Jessica Soho’s interviews then seeing his statement repeated sa INQUIRER I’d like to personally thank Sen. Ping Lacson for making me feeling good yet also further enlightened.
“He was quoted as saying this about my brother Noy: ‘Sa mga nakaraang pangulo natin, talagang siya ang hinahangaan ko kasi hindi siya corrupt, fun and pagkakakilala ko sa kanya dahil nakatrabaho ko siya,’ Lacson said when asked whom he admitted among all the former presidents.’
“Sen Lacson went on to say, ‘Pinangunahan niya yung ‘no wang-wang’ policy, symbolic, napakasimple, pero napaka-symbolic. Ibig sabihin, walang entitlement.” (MVN)