Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shaine Vasquez Akihiro Blanco James Merquise Love Aint Enough

Love Aint Enough nina Akihiro Blanco at Shaine Vasquez, palabas na via RAD streaming

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAPAPANOOD na ngayon ang pelikulang Love Aint Enough na tinatampukan nina Akihiro Blanco and Shaine Vasquez. Ito’y via RAD streaming platform, na in na in talaga ngayon.

Ang pelikula ay mula sa script at direksiyon ni James Merquise, na isa ring aktor.

Nagsimulang mapanood ang Love Aint Enough noong Feb. 5 at tatakbo ito hanggang March 7, 2022 sa www.iamrad.app. Ang pelikula ay tinaguriang the most romantic movie of the year 2022, na swak na swak talaga specially ngayong buwan ng mga puso.

Kaabang-abang ang pelikula base sa FB post ni Direk James:

“Love Ain’t Enough a Pre-Valentines Day movie Starring Akihiro Blanco and Shaine Vasquez start streaming Feb 5 to march 7, 2022 buy your tikets now.” Suportahan po natin ang Pelikulang Pilipino. Tikets now available at www.iamrad.app How to purchase ticket: Sign up at www.iamrad.app then under the Poster of the Movie Tittle click the Buy E- Tiket button.

Paano niya ide-describe ang pelikula?

Esplika ni Direk James, “Iyong story po, si Shaine Vasquez as Bella ay nagkagusto po kay Patrick (Akihiro), then later on po ay nalaman ni Bella na may asawa na po pala si Patrick…

“Pero dahil mahal na niya ito ay hindi na niya kayang iwanan pa, kahit na siya mismo si Bella ay may asawa at anak na rin… Ang movie po ay isang love story na pang mag-dyowa, pang GF-BF, and pang mag-asawa rin po. In short, talagang makaka-relate ang lovers sa pelikulang ito.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …