Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kitkat Walby

Kitkat, napuruhan nang ‘naputukan’

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAKAKAALIW ang FB post ni Kitkat noong nakaraang Valentine’s Day. Dito kasi ay inanunsiyo na niyang buntis na siya at napuruhan nang siya ay ‘naputukan’.

Ayon sa kuwento ng versatile na singer/comedienne, bale ngayon ay 15 weeks na ang dinadala niyang baby.

Saad ni Kitkat sa kanyang FB:

“HAPPY VALENTINE’s DAY EVERYONE!!!! Wala na kaming putukan now ,, naputukan na! Chareng!!! Hahaha

Kidding Aside..,, we just want to share with all of you our greatest happiness and Blessing,,,

YES!!! WE ARE PREGNANT!

Oha walang nakapansin ano,, ive been pregnant since november and super blessing tlaga at di kami maselan ni baby… cguro nagtataka lang kayo bakit lagi maluwag ang mga damit ko sa mga tv appearances ko at lagi naka rubber shoes hehe! Well, minu minuto nagpapasalamat kami kay Papa God sa napakalaki at life changing blessing na ito… pati milagro at ipinagpapasalamat namin na lahat ng anxieties ko, migraine with aura, vertigo, acid reflux, hypertension, asthma at kung ano ano pa ay di ko talaga nararamdaman simula ng nagbuntis ako! We Praise and Love and Trust YOU PAPA GOD! Maraming Salamat po talaga! … yun lang! “HAPPY (indeed) VALENTINE’s” talaga

#15weekspregnant …. And message ko sa lahat,,, BE HAPPY AND KIND ALWAYS…. Ang bawat blessing ay may timing…. God is really faithful perfect timing always! Favia Walby Walbs

Thank u CottonCandy fleur flower Balloons for our balloon

Thank u beh Bi An Ca Fccm prutasan FCCM Prutasan, Gulayan, Atbp. ,

Sweet Berry Bee

Sa pagkaka-alam namin, medyo natagalan ang pagiging preggy ni Kitkat dahil nagpi-pills siya noon. Kumbaga, pinaghandaan muna talaga nila ng kanyang mabait at very supportive na hubby na si Walby Fabia bago sila gumawa ng baby.

Bale nagpatayo muna sila ng bahay at tumutok sa mga negosyo nila para makaipon, bilang paghahanda nga sa kanilang pamilya at sa future ng kanilang magiging anak.

Congrats sa inyo Kitkat and Walby!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …