Monday , December 23 2024
Willie Revillame cry GMA 7

Willie naiyak sa suportang ibinigay ng GMA

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG Friday, February 11, ang last episode ng show ni Willie Revillame na Wowowin sa GMA 7.  Bago ang kanyang pagpapaalam sa kanyang televiewers, nilinaw muna niya na walang katotohanan ang lumalabas na balita na kaya iniwan niya ang Wowowin ay dahil hindi na ini-renew ng Kapuso Network ang kanyang kontrara.

Ayon sa TV host-comedian, may alok pa sa kanyang kontratata ang GMA 7. Pero hindi na siya pumirma, dahil lilipat siya sa Advanced  Media Broadcasting System (AMBS), ang TV network na pag-aari ng mag-asawang Manny at Cynthia Villar.

Paliwanag ni Willie, “Bakit hindi po ako pumirma? Una, por delicadeza. Magso-show ako sa GMA habang ako naman ho ay nagpaplano sa isang estasyon na kalaban ng GMA.

“Hindi ho tama iyon. Sa sobrang bait ho ng mga taga-GMA, sa sobrang bait na ipinakita nila sa akin, hindi ko ho magagawa na traydurin sila.

“Isipin niyo, por delicadeza at respeto ko kay Mr. [Felipe] Gozon, sa lahat dito. Nagso-show ako araw-araw dito, pero after nagmi-meeting ako sa kabilang channel?

“Hindi ko ho kayang gawin iyon kaya ako, kahit ang bigat sa loob ko, isang paa ko naka-forward, isang paa ko hindi ko maigalaw dahil ang bigat.

“Napamahal na ho sa akin ang mga tao rito. Wala akong naging problema rito for 6 years and 8 months.”

Ikinuwento rin ni Willie ang naging pag-uusap nila via zoom ng isa sa bosses ng GMA 7 na si Joey Abacan noong February 3, 2022.

Ayon sa kanya, hindi niya napigilan ang mapaluha nang sabihin niya ang kanyang pasyang huwag nang mag-renew ng kontrata sa Siete.

I was so emotional, naluha, naiyak ho ako. Sabi ko, ‘Sir Joey, hindi na ako makakapirma ng kontrata.’

“Nagulat siya. Sabi niya, ‘Bakit, anong nangyari, Willie? Wala naman tayong problema, ah? Bakit lilipat ka?’

“Sabi ko, hindi. Por delicadeza, hindi ko kayang gawin pumirma. Nagso-show ako sa GMA, nagtatrabaho ako sa ibang channel. Hindi ko gagawin sa inyo,“ aniya pa,

Wala namang dapat ikalungkot ang televiewers ng Wowowin dahil sa telebisyon lamang ito hindi mapapanood. Magpapatuloy si Willie sa pagbibigay ng pag-asa at tulong sa pamamagitan ng live streaming sa official Facebook page at YouTube channel ng kanyang game at public service program.

Hindi naman nakalimutang pasalamatan ni Willie ang isa sa executive ng Siete na si Atty. Gozon.

Wala ako rito, wala kami rito kahit anong estasyon ang pinuntahan namin kung hindi ninyo kami sinuportahan, hindi niyo kami minahal, wala ho ang programang ‘Wowowin.’ Ang buhay ho, eh, kayo.

“I would just like to thank personally, especially Mr. Gozon. Attorney, maraming salamat, ibinigay mo sa akin ang 26 million [subscribers] sa social media. Iniregalo mo sa akin.

“Maraming-maraming salamat. Attorney, thank you so much. Hindi ninyo ipinagdamot sa akin ‘yung 26 million Facebook/YouTube [subscribers] na dapat sa inyo ‘yun.  Ibinigay niyo pa rin sa akin. Napakabuti ninyo,” mangiyak-ngiyak na pasasalamat ni Willie kay Atty. Gozon at sa lahat ng mga nakasama niya sa Kapuso Network.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …