Saturday , November 16 2024

Sa pagkalat ng kasinungalingan
MARCOS, JR., MAY MALAKING PAKINABANG SA ‘FAKE NEWS’

021422 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

NAKIKINABANG ang anak ng diktador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa mga kumakalalat na kasinungaligan o falsehoods, ayon sa grupo ng fact-checkers para sa 2022 elections sa bansa.

Sa weekly update sa website ng tsek.ph, grupo ng fact-checkers, nakasaad na ang mga lumalaganap na kabalintunaan ay pumapabor kay Marcos, Jr.

Inihalimbawa ng grupo ang umano’y death threat ng isang TikTok user sa anak ng diktador, nakaligtas siya dati sa isang assassination attempt, at ang conspiracy theory na ang umano’y hacking sa Commission on Elections (Comelec) server ay upang dayain siya sa halalan.

Giit ng tsek.ph, humahaba rin ang listahan ng ‘false endorsements’ na nilikha upang itambol ang kampanya ni Marcos Jr., gaya nang inendoso ang anak ng presidential bid ng anak ng diktador ng mga personalidad tulad nina Beyonce, Venus Raj, New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern, mag-asawang Mar Roxas at Korina Sanchez, at dating Chief Justice Artemio Panganiban.

Habang dumaan sa fact-check ng Akademiya at Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan, isang grupo na bahagi ng tsek.ph, ang inilabas sa Filipino Future YouTube channel na ginamit umano ng Diyos si Ferdinand E. Marcos Sr., upang maging ‘steward’ ng kayamanan niya sa mundo.

Batay sa fact-checking ng Akademiya, “Ang sinasabing kayamanan ni Marcos ay ninakaw ng kanilang angkan at ng mga cronies nila mula sa kaban ng bayan. Mula 1986, na-retrieve ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang halagang US$3.7 bilyong ill-gotten wealth ng mga Marcos. Walang pruweba na magpapatunay na ‘ginamit ng Diyos’ si Ferdinand E. Marcos, Sr., para tipunin ang kayamanan niya sa mundo. Pawang conspiracy theory lamang ang mga ‘Illuminati’ o mga ‘Globalists.’

Ang tumataas na bilang ng disimpormasyon ay lumutang sa pinakahuling SWS survey na 51% ng mga Pinoy o isa sa dalawang Filipino ay hindi kayang tukuyin ang fake news.

Nanawagan ang tsek.ph sa mga mamamayan na maging mapanuri sa mga nababasa online sa panahon ng halalan.

“We’re hoping to make a big dent on fake news until we really find a solution,” ani Rachel Khan, tsek.ph project coordinator.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …