Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Ping Lacson Coco Martin

Kris pinasalamatan si Ping; Coco bet ni Lacson

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PINASALAMATAN ni Kris Aquino si Senator Panfilo Lacson ukol sa pagpapahayag nito ng magagandang salita tungkol sa kanyang kapatid na si dating Pangulong Benigno S. Aquino III.

Ani Kris, naliwanagan siya sa mga sinabi ng senador.

“From watching Jessica Soho’s interviews then seeing his statement repeated sa INQUIRER, I’d like to personally THANK Sen. Ping Lacson for making me feel good yet also further enlightened.

“He was quoted saying this about my brother, Noy: ‘Sa mga nakaraang pangulo natin, talaga siya ang hinahangaan ko kasi hindi siya corrupt, ‘yun ang pagkakakilala ko sa kanya dahil nakatrabaho ko siya,’ Lacson said when asked whom he admires among all the former presidents,” sambit ni Kris  sa kanyang Instagram post.

“Because of what you said – may IMPACT talaga yung word na ‘ENTITLEMENT’.. I felt UNFAIR to our fellow Filipinos who desperately need the monetary equivalent of whatever gifts people planned to send me,” dagdag pa ni Kris.

Kagunay nito, sinabi rin ni Kris na i-donate na lang sa charity ang perang gagamitin pambili ng regalo para sa kanya at ipagdasal siya ngayong kaarawan niya, February 14.

Aniya, pakiramdam niya ay “insensitive” ang pagtanggap ng regalo habang maraming Filipino ang nangangailangan ng tulong.

“Best birthday gift you can give me — Please DON’T spend money on me. NAKAKAHIYA, and I feel insensitive to the needs of our fellow Filipinos. Alam ko how much food costs have gone up ang MAHAL ng flowers kasi nga VALENTINE season,” anang aktres sa kanyang IG.

Nauna nang pinangalanan ni Lacson si  Noynoy  bilang kanyang pinaka-hinahangaang pangulo dahil sa anti-corruption stance nito at no wang-wang policy na naglalayong pigilan ang pag-aabuso ng mga taong nasa kapangyarihan. Si Lacson din ay dating pinuno ng Yolanda rehabilitation efforts noong administrasyong Aquino.

Samantala,  kung sakaling gawan ulit ng bagong pelikula si Ping, pipiliin nito si Coco Martin para gumanap sa kanyang buhay.

Anang senador, “The first movie about me, I was portrayed by actor Edu Manzano, then later Rudy (Fernandez) and Robin (Padilla). For a new movie, I’d like Coco Martin to portray me.”

Gusto niya si Coco dahil sa husay nitong umarte bilang magiting na pulis sa action-serye nitong FPJ’s Ang Probinsyano.

Sinabi pa ng presidential aspirant na, “Because he was talented in portraying the policeman Cardo Dalisay in the teleserye Ang Probinsiyano.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …