SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NAGPAKA-FANGIRL si Heart Evangelista kay senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno nang magkita sila sa Sorsogon kamakailan.
Hindi nga napigilan si Heart para i-post ang picture nila ni Diokno sa kanyang Twitter account at sinabing, “I’m kilig. fan mode @ChelDiokno good luck po.”
Hindi rin naman itinago ni Diokno na nagpaka-fanboy din siya kay Heart. “Ako po talaga yung totoong nag fanboy. It was so nice meet you, @heart021485!” sagot ni Diokno sa Twitter.
Binati rin ng human rights lawyer si Heart na magdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw, Lunes (Feb. 14).
Nagkaroon din ng “fanboy” moment si Diokno sa pagratsada ng kampanya sa Naga City nang nakaharap niya ang ilang artista at mga singer, gaya nina Nikki Valdez, Cherry Pie Picache, Bituin Escalante, Agot Isidro, The Company, at Rivermaya.