ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ISA si Gwen Garci sa mga sexy actress na tumatak sa isip ng maraming barako. Ngayon ay madalas pa rin siyang napapanood sa mga pelikula ng Vivamax.
Nang nag-guest siya recently sa online show naming Tonite L na L nina kototong Roldan Castro at Chuffa Mae Bigornia, inusisa namin ang aktres kung may pinagsisihan ba siya sa ginawang pagpa-sexy?
Tugon niya, “In a way, mayroon akong pinagsisihan… kasi, like yung parents ko ay sobrang conservative at nag-away-away kami because of that.
“So, mayroon akong pinagsisihan, pero that time ang trend kasi ay sexy. Hindi ba nasa trend kasi iyan, eh? Kung ang trend ay teens, teens yung magiging kalalabasan, papasok ka sa teens. Pero kung ang trend ay sexy, wala kang choice kundi mag-sexy.
“But it doesnt mean na people can judge you, na sexy star ka, ganito ka, na your’re a prostitute or nagtatrabaho ka sa mga club or something like that. It doesnt mean na sexy star ka, ganoon ka.
“No, it means that’s the trend lang kasi. Pero kung makikita mo rin naman ang background ng family nila, iba rin naman. Kaya sana yung mga tao, lumawak din ang pang-unawa nila na hindi porke sexy star ay bastusin na, it’s not like that,” mahabang esplika pa ng Viva Hot Babe member.
Tinanong din namin ang magandang aktres kung ano ang kanyang dream role?
Sagot ni Gwen, “Ang dream role ko kasi right now ay hindi na pagpapa-sexy, ang mga dream role ko ngayon ay yung mga challenging na role. Iba na eh, siguro before kasi siyempre nagbi-build ka ng name mo at saka iyon ang trend, eh. Pero ngayon, kasi siyempre, may gusto ka ring patunayan bilang aktres, kaya gusto mo yung tipong acting piece.”
Dagdag pa niya, “Game ako sa action or anything na challenging, kasi siyempre before wala kang choice. Pero ngayon, kumbaga puwedeng… like ang dream role ko ngayon… like sa Nerisa, nagdrama ako, naging manang ako. Doon naman sa movie na Paraluman, isa akong konsehal na bipolar.
“Iyong gusto kong role ay yung parang psycho, sira ulo, action… gusto kong gawin iyong mga hindi ko pa nagagawa, iyong mga challenging na roles talaga.”