Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Herlene Budol Hipon Girl Wilbert Tolentino

Wilbert Tolentino, gagawing beauty queen si Hipon Girl

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG simula ng taong 2022 ay sadyang maganda sa businessman/vlogger/internet personality na si KaFreshness Wilbert Tolentino. Aside from Wilbert’s ward, Daisy Lopez aka Madam Inutz, aba, don’t look now because Herlene Budol aka Hipon Girl ay ang newest addition sa lumalaking pamilya ni KaFreshness as she inks a contract with Wilbert.

Tama, si KaFreshness na nga ang official business manager ni Hipon Girl, following the footsteps of the popular online seller and PBB housemate Madam Inutz. Of course naman, gaya ng naglalabasang reports, hayahay ang buhay ni Madam Inutz kay Wilbert, as her manager.

Aside from the fact na talagang ginagastusan at binibigyan ng todo-effort ni KaFreshness si Madam Inutz ay mayroon pang ilang perks like niregaluhan lang naman ni Wilbert ng house and lot ang kanyang ward worth P5M. And not only that, dahil in a very short period of time ay nagkasunod-sunod din ang release ng mga single ni Madam Inutz namely Inutil, Sangkap ng Pasko, Marites, at ang pinakahuli ay ang Madam.

FYI, ang naunang single ni Madam na Inutil ay nag-enjoy ng sandamakmak na airplays sa mga leading FM stations dahil sa dami ng mga request. At iyan malamang ang mangyayari kay Hipon Girl ngayong officially ay business manager na niya si Wilbert.

At the rate things are going, mukhang maraming talents, especially mga internet personalities, ang gusto nang magpa-manage kay Wilbert dahil sa agresibo at kakaibang pag-aalaga niya sa mga wards. Kaya naman no wonder at excited na rin si Hipon Girl sa mga mangyayari sa kanyang career ngayong under the helm na siya ng isang legit at matinong business manager like KaFreshness Wilbert Tolentino.

Malaki ang plano ni KaFreshness Wilbert sa career ni Hipon Girl dahil aside from big projects na nakalatag na sa harapan ng TV host/comedian ay ire-repackage siya ng kanyang bagong manager to become a beauty queen.

Yes, you heard it right! Kaya naman approve at naka-thumbs up ang mga netizens sa career move na ginawa ni Hipon Girl dahil nasa mabuting mga kamay na siya ngayon under the direction ni Wilbert.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …