Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marc Cubales Daddy Blake

Finding Daddy Blake, iaangat ang kalidad ng BL film!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGKAROON ng magarbong launching ang film production company na MC Production House na pag-aari ng international model, producer, businessman, pilantropo at aktor na si Marc Cubales.

Ginanap ito sa Corte Super Club, located @ 281 Tomas Morato Avenue corner Scout Castor, Quezon City.  

Present sa naturang launching sina Marc at ang kilalang fashion and jewellery designer at former beauty queen na si Ms. Joyce. Pilarsky.

Matagal nang nabaggit sa amin ni Marc ang plano niyang ito at happy kami na finally ay sisimulan na ang naturang proyekto very soon.

Kasabay nito ang cast reveal ng kanyang unang pelikula na ipuproduce na Finding Daddy Blake.

“Marami tayong mga artista, baguhan man o veteran na world-class ang talent. I wanna help them, time naman nila to shine. Behind the camera na lang ako,” pahayag ni Marc.

Gaganap sa mahalagang papel sa pelikulang ito sina Marc at Ms. Joyce. Nakagawa na rin siya ng dalawang pelikula bilang aktres at producer, ito ang New Generation Heroes at Ang Sikreto ng Piso.

Ang multi-awarded director na si Jay Altarejos ang hahawak ng proyekto, siya rin ang sumulat ng screenplay. “BL film ito na may kakaibang twist. Hanggang diyan lang muna ang puwede kong ikuwento para walang spoiler,” buong ningning na pahayag naman ni Direk Jay.

Ang pelikula ay base sa true events na naganap sa simula ng pandemya.

Dalawang teenager, sina Elijah at ang batang social media personality na si Kokoy, ay nagkataong nagkatagpo upang hanapin at maghiganti sa nambiktima at nang-abuso sa kanila na si Daddy Blake.

Sa pag-usad ng kanilang plano para magapi si DaddyBlake, madidiskubre nila ang unti-unting pag-usbong ng kanilang pagtitinginan sa isa’t isa.

Pangungunahan ng critically acclaimed actress na si Rita Avila ang Finding Daddy Blake, kasama ang 2021 FAMAS, Gawad Tanglaw at Gawad URIAN Best Supporting Actress awardee na si Dexter Doria, 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino Best Supporting Actor awardee Gio Alvarez, FACINE International Film Festival Best Actor awardee Oliver Aquino, Riverside International Film Festival (California, USA) Best Actor awardee Carlos Dala, ang theater actor na si Jonathan Ivan Rivera, at marami pang mapangahas na baguhang talents.

Abangan ang Finding Daddy Blake sa iba’t-ibang international film festivals, lokal na sinehan at iba pang global streaming platforms. Hatid ng MC Production House sa pakikipagtulungan ng 2076 Kolektib.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …