MATABIL
ni John Fontanilla
GRABE ang hirap ni Teejay Marquez sa kaabang-abang na pelikulang Takas dahil maraming pisikal na eksena ang ginawa nito.
Nandiyang gumulong sa putikan na ‘di nito naisip na baka may bubog at matatalas na bagay, hilain habang nakahiga sa masukal na gubat, masampal ng ilang beses at marami pang iba.
Pero nagawa nito ang nasabing mga eksena dahil masyadong nagustuhan niya ang pelikula at character na kanyang ginampanan.
Role ng isang sikat na artista na kinidnap at ikinulong ng isang obssesed na fan ang ginampanan ni Teejay, samantalang si Miss World Philippines 2021 Second Princess Janelle Lewis ang babaeng fan.
First time gumawa si Teejay ng pelikulang may temang psychological thriller. Ito ay idinirehe ni Ray An Dulay.