Tuesday , November 19 2024
PCAP Professional Chess Association of the Philippines

Pasig City ginulat ng QC sa PCAP Online Chess

NAKAPAGPOSTE ang Quezon City Simba’s Tribe ng 12-9 panalo kontra sa koponan ng Pasig City King Pirates noong Sabado ng gabi, 5 Pebrero 2022, sa 2nd season ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) All Filipino Conference online chess tournament virtually na ginanap sa Chess.com Platform.

Nanaig ang Simba’s Tribe sa King Pirates sa blitz game sa pangunguna nina National Master Robert Arellano, National Master Edgardo Garma, at team owner-playing coach Danilo Ponay laban kina Grandmaster Mark Paragua, Grandmaster Darwin Laylo at National Master Rudy Ibanez, ayon sa pagkakasunod.

Tabla si National Master Robert Suelo, Jr., kay National Master Eric Labog, Jr., habang nakipaghatian ng puntos si Freddie Talaboc kay International Master Chris Ramayrat.

Sina Woman Fide Master Sherily Cu at Kevin Arquero ang nagtala ng kambal na panalo sa Mayor Vico Sotto backed up Pasig City King Pirates matapos manaig kina Michaela Concio at Joseph Navarro.

Nagpatuloy ang pananalasa ng Simba’s Tribe matapos madomina ang rapid play nina Ponay, Suelo, Navarro, at Talaboc.

Giniba ni Ponay si Ibañez, kinaldag ni Suelo si Labog, angat si Navarro kay Arquero at ginulat ni Talaboc si Ramayrat.

Sina Paragua, Laylo, at Cua ang napalaban nang husto sa King Pirates matapos padapain sina Arellano, Garma at Concio.

Suportado ng Global Quality Education Providers, Inc., Gates Professional Schools, Inc., at ng DVF Dairy Farm Inc., ang Quezon City Simba’s Tribe na una munang nanalo kontra sa Rizal Batch Towers, 11.5-9.5.

Umakyat ang Simba’s Tribe sa fourth spot na may 4-4 win-loss record sa Northern Division standings kasama ang Manila Indios Bravos at Isabela Knight of Alexander.

Target ng Quezon City Simba’s Tribe ang panibagong magandang performance sa Miyerkoles ng gabi (9 Pebrero 2022) sa pakikipagtapat nila sa Mindoro Tamaraws at Laguna Heroes.

Ang torneong ito ay sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB) sa gabay ni Chairman Abraham “Baham” Mitra na suportado ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa kandili ni Chairman/President Prospero “Butch” Pichay Jr.

(MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …