Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lloyd Cruz Willie Revillame

John Lloyd malaki ang pasalamat kay Willie pagkakabuo ng pamilya isinakatuparan

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAGBIGAY ng kanilang pagbati ang mga celebrity, GMA executives, at iba pang kilalang personalidad para kay Kuya Willie Revillame, na nagdiriwang ng ika-61 kaarawan.

Kabilang sa mga bumati kay Kuya Wil sina John Lloyd Cruz, Michael V., Mr. Johnny Manahan, Coco Martin, Billy Crawford, Lani Misalucha, Luis Manzano, at Jessy Mendiola gayundin si Vhong Navarro.

Si Michael V. pabirong humingi ng paumanhin kay Kuya Wil dahil hindi niya nakuhanan ng pagbati ang karakter niyang si Kuya Wowie na ginagaya niya ang TV host.

Pero alam naman niya na ang magiging wish ni Kuya Wowie para  kay Kuya Wil ay “bigyan ng good health, at bigyan ng long life ‘yan!”

Hiling pa ni Michael V, ituloy ni Kuya Wil ang pagiging blessing sa iba.

Si Vhong, sinabing isang mabuti tao si Kuya Will at inihayag na kabilang siya sa nakaranas ng tulong ng TV host kahit hindi niya sinabihan.

Hangad naman ni Coco ang kaligayahan, kaligtasan at lalo pang gumanda ang kalusugan ni Kuya Wil.

Muli namang nagpasalamat si John Lloyd kay Kuya Wil na naging daan ng pagbabalik niya sa telebisyon at pagkakabuo ng kanyang pamilya sa kanyang GMA show na Happy ToGetHer.

Kasama ng aktor na bumati kay Kuya Wil ang buong cast ng naturang sitcom.

Nagpaabot din ng kanilang pagbati sina GMA 7 Program Management First Vice President Joey Abacan, GMA Executive Vice President and CFO Felipe Yalong, at GMA Films President Annette Gozon.

Bumati rin sina Senador Bong Go at former Senate President Manny Villar, na sinabing marami na silang pinagdaanan noon ng TV host.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …