Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dingdong Dantes Marian Rivera Zia Dantes Washing

Zia maagang tinuruan ng mga gawaing-bahay

RATED R
ni Rommel Gonzales

KINAGILIWAN ng netizens ang video ni Zia Dantes na naghuhugas ng plato bilang pagtulong sa mga gawaing bahay, lalo nang magka-COVID-19 ang pamilya Dantes.

Kasi noong panahon na nagkaroon kaming lahat ng COVID, siyempre kami lang gumagawa ng lahat and kinailangan naming tulungan ang isa’t isa,” sabi ni Dingdong Dantes sa Chika Minute report ni Nelson Canlassa 24 Oras Weekend nitong Sabado.

Ayon kay Dingdong, tinuturuan na nila ng asawang si Marian Rivera na maging responsable ang kanilang anak sa murang edad.

Para lang din malaman niya na may mga bagay na kinakailangan eh ginagawa mo rin sa bahay. You also have to be responsible, ‘yung kwarto niya kung guluhin niya, kailangan niyang ayusin,” ani Dingdong.

Inihayag ni Dingdong nitong linggo na nagpositibo siya at ang kanyang pamilya sa COVID-19.

Bilang magulang, sinabi ni Marian na hindi nila naiwasan ni Dingdong na mag-aalala para sa kanilang mga anak nang magpositibo sila sa COVID-19.

Sinabi ni Marian na mas nag-aalala sila para kina Zia at Sixto, na mga bata pa at hindi pa puwedeng bakunahan.

Sa ngayon, halos lahat sa kanila ay gumaling na; balik-trabaho na si Dingdong sa Amazing Earth at si Marian sa Tadhana ng GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …

Carla Abellana diamond engagement ring

Carla ibinandera diamond engagement ring

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “SANA ito na nga,” wish ng fans ni Carla Abellana sa balitang engaged na …

Petersen Vargas Ang Mutya ng Section E

Direk Petersen na-excite sa pakikipagtrabaho sa mga bagets

HARD TALKni Pilar Mateo KLASMEYTS, they are back!!!  Ang pinaka-aabangang Viva One global hit series ay magbabalik …