ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
NAKAHUNTAHAN namin ang dating Star Magic artist at Net25 newscaster na si Eduard Bañez, na matatandaan sa kanyang cover ng kantang Kahit Maputi Na ang Buhok Ko na nilikha ni Rey Valera. That time ay nakakuha ng higit 120,000 views sa YouTube ang kanyang cover.
Nalaman namin na nasa US na ulit siya matapos bumisita sa bansa, last year.
Pahayag niya sa palitan namin ng PM sa FB, “Yes po, nasa US po ako ngayon. At the moment I work in Six Flags Magic Mountain,” matipid na dagdag pa niya ukol sa California theme park na kilala bilang largest roller coasters in the world.
Nang usisain namin kung ano ang nami-miss niyang gawin, nag siya ay nasa ‘Pinas pa, “Siyempre, nami-miss ko ang news casting,” matipid na pahayag ni Eduard.
Si Eduard ay nagsimula sa singing sa murang gulang na 5. Pero nagsimula siyang i-pursue ang career sa musika nang siya ay 17 na.
Eventually naging member siya ng Star Magic Batch 15 at na-launch noong 2006. Ka batch niya rito sina Miss World 2013 Megan Young, Bela Padilla, at Jessy Mendiola.
Siya ay nagkaroon din ng stint na maging co-anchor sa tele-radio show with Arnell Ignacio sa Radyo Singko 92.3 News FM. Naging newscaster din si Eduard sa Net25.
Isa sa maituturing na malaking achievement ni Eduard ang pagkakataong maging bahagi ng music video na I Don’t Care nina Ed Sheeran at Justin Bieber. Pati na sa music video ni Sia na Chandelier.
May plano ba siyang buhayin ang kanyang singing career? Mag-release ng digital single or album?
“Plan ko as of the moment ay mag-manage ng artist dito sa Hollywood. Pero baka pag-uwi ko, i-try ko rin mag-launch ng single,” nakangiting pahayag pa ni Edard.