Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Super Tekla Aira

Aira umalis kay Tekla na-culture shock sa buhay-Maynila

RATED R
ni Rommel Gonzales

Sa birthday celebration ni Super Tekla sa programa nila ni Boobay, nilinaw ng komedyante ang dahilan kung bakit umalis sa poder niya ang panganay na anak na si Aira na umuwi muli sa Bacolod.

Sa pamamagitan ng tawag, binati ni Aira ang kanyang ama at sinabing mahal na mahal niya ito kahit pa bumalik siya sa Bacolod kapiling ang kanyang lola.

Hindi porke umalis ako riyan hindi na kita mahal,” sabi ni Aira sa The Boobay and Tekla Show. “Mahal na mahal kita daddy. Kailangan ko lang umalis [para] ‘di na rin ako makaabala sa trabaho mo.”

Nais ni Aira na makapag-concentrate ang kanyang ama sa trabaho at hindi nag-aalala sa kanya.

.

Tiniyak niyang maganda at ligtas ang kalagayan niya sa piling ng kanyang lola at mga pinsan.

Magkikita rin tayo soon, daddy,” sabi niya.

Paliwanag ni Tekla, na-culture shock ang 12-anyos niyang anak nang kunin niya ito sa probinsiya at dinala sa Maynila para magkasama silang mag-ama.

Gayunman, naunawaan ni Tekla na nabigla ang bata sa biglang pagbabago sa paligid nito at malayo sa mga kaibigan.

Inakala raw ni Tekla noon na makakapag-adjust ang kanyang anak. Pero ngayon, tanggap niya na mas magiging maganda para kay Aira na manatili muna sa Bacolod sa piling ng kanyang lola at doon mag-aral.

Gayunman, hiniling ng komedyante sa anak na huwag mag-aatubiling tawagan siya kapag may kailangan o problema.

Nak hindi kita inoobliga na pahalagahan mo ako, just ano lang, connect lang sa akin. Kung anong problema mo, nandito lang ako. Just chat me,” sabi ni Tekla.

Kasabay nito, inihayag din ni Tekla ang hangarin na bumuti ang kalagayan ng bunso niyang anak na si Angelo.

Magiging kampante lang ako at masaya ako na parang makakatulog akong maayos kapag nakikita ko ‘yong anak kong stable at maayos…si Angelo,” ani Tekla.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …