MA at PA
ni Rommel Placente
ISA pang pumatol sa basher ay si Jessy Mendiola.
Nag-comment kasi ang isang netizen sa kanyang workout video kahapon, Sabi nito,“Pano ka mgkaka baby nian if you always exercise.”
Sagot ni Jessy, “so kung nag-eexercise, hindi magkakababy? Pakiexplain.”
Sumegunda naman ang isa pang netizen. Sabi nito, “Kasi kung Minsan Hindi alam Ng babae na nagsisimula na palang mabuoAng sperm cell Ng 2 at Sa pag exercise nawala dahil naghihiwalay at nalalaglag sa pag exercise Ng mabibigat.yung simple Lang exercise ok na.
“kahit na. kelangan kung gusto mong mabuntis simpleng mga exercise Lang Gawin mo. its an advice na naexperience ko. advice na parang magilang Lang.”
Sagot naman dito ng aktres, “Iba-iba lahat tayo.Hindi ibig sabihin it works fior you eh ganon na din sa iba.”
O ‘di ba pinalagan din ni Jessy ang kanyang basher!