HATAWAN
ni Ed de Leon
NOONG mediacon nila ng pelikulang Reroute, hindi kami nagulat nang sabihin ng actor na si John Arcilla na ang gusto niyang gawing pelikula ay ang buhay ng painter at kinikilala ring bayani na si Juan Luna. Siya rin ang gumanap at nakilala nang husto nang gawin niya ang bio film ni Heneral Antonio Luna at hindi nga maikakaila na mas makulay at kontrobersiyal ang buhay ng nakababatang kapatid niyon na si Juan.
Kontrobersiyal ang pelikulang Heneral Luna, dahil sa pagkakapaslang sa kanya ng mga tauhan ni Emilio Aguinaldo sa Cabanatuan. Pero mas naging kontrobersiyal si Juan Luna dahil sa ginawa niya sa kanyang asawa at biyenang babae, na hanggang ngayon ay hidwaan pa rin ng kanilang mga kaanak.
Sana nga ay magawa niya iyon, at mailabas naman sa mga malalaking sinehan.