Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rabiya Mateo

Basher na kumuwestiyon sa pag-arte ni Rabiya nag-deactivate ng account

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG Lunes ay nag-post si Rabiya Mateo ng photos niya na tumutulong sa paggawa ng raisin bread sa Baguio Country Club sa Baguio City. Ang caption dito ng beauty queen turned actress ay,“Minsan action star, minsan panadero.”

Kaya ganoon ang caption niya ay dahil pinasok na rin niya ang pag-aartista.

Kasama siya sa Book 2 ng Agimat ng Agila, ang fantasy-action series  na pinagbibidahan ni Senator Bong Revilla. 

Dahil nga isang action ang show na ito ni Sen.Bong kaya mag-a-action din dito si Rabiya.

Sa comments section, isang basher ang nagkomento sa post ng sinasabing girlfriend ni Jeric Gonzales. Base sa account name ng netizen, isa itong medical technologist.

Tinawag nitong talunan sa Miss Universe pageant at ambisyosa si Rabiya.

Sabi ng basher published as it is, “Minsan Beauty Queen, Minsan drama queen. Pero kadalasan ambisyosa di naman marunong umarte, talunan pa sa MU [Miss Universe]. Crying emoji”

Sinagot naman ng mahinahon ni Rabiya ang basher. Sabi niya, “di naman siguro masama mangarap, yung masama mangbaba ng kapwa.

“Medical professional ka diba? Sana maging doctor ka gaya ng pangarap mo. Keep winning in life.”

Hindi na nag-reply ang bashe ni Rabiya, Agad niya kasing bunura ang kanyang comment. Mabilis din kasing nag-react ang supporters ni Rabiya.

Hinanap nila sa comments section ang basher, pero hindi na nila ito makita. Sabi ng ilan, nag-deactivate na ito ng account.

Pero may nakapag-screenshot ng komento ng basher at kumakalat na ngayon sa isang TikTok video.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …