Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Reid Cristy Fermin Nadine Lustre Jadine

Tita Cristy ibinulgar Nadine nagpaka-trying hard kay James

MA at PA
ni Rommel Placente

SA isang episode ng radio show niyang Cristy Fer Minute, sinabi ni Cristy Fermin na naaawa siya kay Nadine Lustre sa na-experience nito noong sila pa ni James Reid

Umabot umano kasi sa punto na naging trying hard si  Nadine dahil sa sobrang pagmamahal kay James, at para makuha ang atensiyon ng ex.

Sa pag-amin ni Nadine na may bago na siyag karelasyon na si Christophe Bariou na isang French, deserve nito na maging masaya, ayon pa sa host ng nasabing radio program.

Sabi ni Cristy, “Masyado siyang ano, 

masyado siyang kawawa. Dapat reciprocal ang pagmamahalan pero siya, iniiwan-iwanan. Nakikisama sa mga barkada, iiwan si Nadine. 

“Si Nadine naman, gagawin lahat ng paraan para lang ma-win back si James. Kawawa, kawawa. 

“It’s about time na lumigaya na si Nadine Lustre dahil mapagmahal din siya at marunong mag-alaga ng kanyang karelasyon, ‘di ba naman?

Nakakaawa si Nadine ah, kung maririnig mo ‘yung mga kuwento. Nagmumukha siyang TH. Napaka-trying hard.

“Itong ganitong klaseng babae gagawin mong trying hard? May napatunayan na rin naman si Nadine, ‘di ba Nakikipagsabayan din naman siya. Tapos gagawing kawawa niyong lalaki. Ano ‘to? Ano feeling ni James Reid, siya ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa?

“Pagkatapos ng mahabang panahon na naghiwalay sila, inilagay pa nga niya sa alanganin si Nadine kaya nagkadema-demanda sa Viva, ‘di ba?

“O, pagkatapos niyon, gugustuhin mo pa rin ba ‘yung lalaki na para kang nagmamakaawa, nanlilimos ng pagmamamahal? Natural hindi na.”

Sa mga binitawang salita ni Tita Cristy, ibig lang sabihin nito na may nalalaman siya sa naging relasyon  noon nina Nadine at James, ‘di ba?

Na sa nalaman niyang ‘yun ay parang kawawa naman pala si Nadine sa piling ni James noong sila pa ang magkarelasyon.

Kung makararating naman kay James ang mga naging pahayag ni Tita Cristy, ano naman kaya ang kanyang magiging reaksiyon?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …