Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sue Ramirez

Sue Ramirez, hindi takot ma-bash dahil sa role na kabit

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

HINDI natatakot si Sue Ramirez kung sakaling iba-bash siya ng mga tao dahil sa kanyang role na isang kabit sa upcoming Kapamilya teleseryeng The Broken Marriage Vow.

Gagampanan ni Sue ang role ni Lexy Lucero na magiging kabit ni David Ilustre (Zanjoe Marudo) at karibal ng totoong asawa na si Dr. Jill Ilustre (Jodi Sta. Maria).

Hindi ako natatakot na ma-bash kung ang basehan naman ay character. The more na naba-bash ako, the more pa na magpapasalamat ako sa mga tao. At least, na-appreciate nila ’yung ginawa ko roon sa character. Alam ko naman na ‘pag binash nila ako, bina-bash siguro nila si Lexy. Pero hindi si Sue,” sabi ng aktres.

Handa siyang tanggapin lahat ng pamba-bash at panggigigil ng mga tao sa character niya.

Tatanggapin ko po lahat. Hindi po ako para pigilan sila sa nararamdamang gigil nila sa mga character na gagampanan namin sa ‘The Broken Marriage Vow.’ Go, guys. Sasali pa kong mam-bash,” biro ni Sue. 

Pinaghandaang mabuti ni Sue ang pagganap sa role niya dahil magkaibang-magkaiba sila ng personalidad.

Iba kami maglakad, iba kami mag-isip, iba kami magsalita. So, talagang malaking-malaki ’yung adjustment na kailangan kong gawin,” ani Sue.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …

Carla Abellana diamond engagement ring

Carla ibinandera diamond engagement ring

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “SANA ito na nga,” wish ng fans ni Carla Abellana sa balitang engaged na …

Petersen Vargas Ang Mutya ng Section E

Direk Petersen na-excite sa pakikipagtrabaho sa mga bagets

HARD TALKni Pilar Mateo KLASMEYTS, they are back!!!  Ang pinaka-aabangang Viva One global hit series ay magbabalik …