SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
AND speaking of Rita Martinez, iginiit niyang wala siyang balak ipabago sa kanyang katawan.
Nasabi ito ni Rita sa virtual media conference ng pelikula nila ni Rhen Escano, ang Lulu ng Viva Films kahapon kung gusto ba niyang gayahin ang ginawa ni na may ipinabago sa ilang bahagi ng katawan.
“Just to be clear, I respect the people who like Jake Zyrus na gawin iyong desisyon na iyon kasi I guess masaya sila na nahanap nila ang talagang happiness nila.
“Well hindi naman po, very happy naman ako sa aking biological stand and ‘yun lang naman and my only reference is that. But I don’t dream of changing anything in my body,” pagkaklaro ni Rita.
Si Rita ay baguhang aktres na unang nakita sa The Voice Philippines season 2 semifinalist, LGBTQIA+ advocate.
Ang Lulu ayon kay direk Sigrid Andrea P. Bernardo ay isag romantic comedy, at hindi heavy drama na nakasanayan ng marami pagdating sa lesbian love stories.
Aniya, “I wanted Lulu to be light. I want to focus doon sa individual struggles nila and love is secondary. And it will come naturally. Of course, we will tackle ’yong mga issues pero very, very subtle. It’s more of parang every-day life ng lesbian community.”
Sa pamamagitan ng seryeng ito, gusto ni direk na makita ng mga tao na hindi lang puro issues ang mga tomboy, “masayahin din sila.”
Mapapanood na ang Lulu sa January 23. Para mapanood ang Lulu, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery at App Store.
Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.