HATAWAN
ni Ed de Leon
AYON sa kuwento ng isa naming source, confident ang isang dating sikat na matinee idol na kung gusto na niyang balikan ang dati niyang girlfriend at live in partner. “Isang kalabit lang iiwan na niyon ang boyfriend niya sa ngayon.” Ganoon siya ka-confident dahil sa paniwalang mas pogi naman siyang ‘di hamak kaysa boyfriend ngayon ng dati niyang syota.
“At saka nagawa na namin ang lahat ng posibleng magawa sa sex. Kaya hinahanap-hanap pa rin ako niyon,” pa ng male star.
Sa ngayon wala pa namang sinasabi ang female star pero marami talaga ang naniniwala na basta nakalabit siya ng dating live in partner, mas mabilis pa sa alas kuwatro na babalik iyon.
“Eh siya naman talaga ang patay na patay sa boyfriend niya noon. Umaangal nga minsan iyong lalaki dahil gabi-gabi daw kung magyaya ang girl sa sex simula noong mag-live in sila. At kung sabihin man daw ng lalaki na pagod siya, ang babae ang gagawa ng move matuloy lamang ang sex nila,” sabi pa ng source.