BILANG mabilisang pagtugon sa pataas na mga kaso ng Covid19 sa bansa sa pagpasok ng 2022, inilunsad ng award-winning na aktor na si Arjo Atayde, na kasalukuyang tumatakbo bilang Congressman ng Unang Distrito ng Quezon City ang isang malawakan at libreng Barangay Antigen testing ngayong Enero 13 mula 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. sa Barangay San Antonio, San Jose Street Basketball Court;
Enero 14 mula 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. sa Barangay Bahay Toro, Bahay Toro Basketball Court; at on Enero 15 mula 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. sa Barangay Paltok, Mendoza Street Basketball Court. Ayon kay Atayde, na kilalang kilala sa kanyang slogan na Aksyon Agad, mahalaga ang testing upang matigil ang pagakalat ng virus,
“Madami po tayong mga kababayan sa District 1 ng Quezon City ay walang libreng free access sa Antigen testing at importanteng malaman ng abwat isa sa kanila ang kanilang mga status upang matigil ang pagkalat ng virus.
Libre po ang initiative na ito at lahat po ay maaaring magpa-test kasama ang kanilang buong pamilya.”
Para sa karagdagang impormasyon at updates, i-like ang Lodi Cong Arjo Atayde sa Facebook.