REALITY BITES
ni Dominic Rea
HINDI ko alam kung papansin lang itong si Xian Gaza something! Hindi ko siya kilala pero dahil sa isyung kinuwestiyon niya kung anong ginagawa raw ni Barbie Imperial sa bahay nina Daniel Padilla at Karla Estrada, nawindang ako talaga.
Tanong ko sa sarili, totoo ba? Kasi wala naman ako that day noong nandoon daw si Barbie na nataong nag-carolling ang Beks Batallion kay Queen Mother. (Madalas din po kasi ako sa bahay nila dahil kapamilya nila ako.)
I don’t even know kung sino sa mga tao roon ang tinutukoy niyang si Barbie Imperial? Baka may kamukha lang? Baka may napagkamalan ka lang Xian? Si Barbie ba talaga ‘yun?
Kung nandoon man si Barbie, so what?
Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan naman sina Daniel at Diego Loyzaga.
So kung nandoon man si Barbie, ‘di ko lang sure kung baka magkaibigan din sina Barbie at Kathryn Bernardo, ‘di ba?
My gosh! Sabi pa nga ni QM Karla sa naging sagot niya sa akin when i texted her about this issue…”Huwag mo na patulan Dom. Nonsense ‘yan”
Well….ano bang trulagen? Sagot ko? Ma at Pa! Kabog!