Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Geneva Cruz

Geneva nangatwiran pagsagot sa basher ‘di pagpatol

RATED R
ni Rommel Gonzales

KABILANG si Geneva Cruz sa mga celebrity na hindi pinalalampas ang mga basher sa kanyang social media account. 

Paliwanag ng singer-actress, hindi ibig sabihin niyon ay pinapatulan niya ang mga basher.

“I don’t call it patol. I call it educating them,” sabi ni Geneva sa media conference ng kinabibilangan niyang tv series na Little Princess.

If they come to my [page] and they talk about my singit or something and I’m on a beach and it’s a guy and they say ‘oh bakit ganyan.’ I’ll say, ‘Excuse me. I’m a mother of two. Dalawang bata na ang lumabas diyan. And look at my body. How about you focus on that,” ayon kay Geneva.

Aminado siya na napipikon siya noong una pero naisip niya na, “the best way to actually deal with them is to deal with them through love and kindness and also being yourself and educating them.”

Hindi naman lahat ng puna ay pinapatulan niya. Ang mga komento tungkol sa kababaihan at pagiging ina ang hindi niya pinalalampas.

Kasi kung pumunta sila sa site mo and they have the audacity to tell you things that are negative ‘pag nasa mood ako, pwede kong burahin. Pero kapag mayroong kinalaman sa pagiging babae, pagiging ina, I will educate them,”paliwanag niya.

Noong Marso, sinagot ni Geneva ang basher na nagkomento tungkol sa kaniyang “singit.”

Sumusuporta rin siya laban sa body shaming sa social media.

Kabilang si Geneva sa Little Princess kasama sina Jo Berry, Rodjun Cruz, Juancho Triviño, Angelika Dela Cruz, Chuckie Dreyfuss, Lander Vera Perez, Therese Malvar, at Jestoni Alarcon. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …