Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shaina Magdayao Piolo Pascual

Piolo sa relasyon nila ni Shaina — What you see is what you get

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview kay Piolo Pascual ng TV Patrol kamakailan, nagbigay na siya ng pahayag tungkol sa kumakalat na sweet photos nila ng matagal ng nali-link sa kanya na si Shaina Magdayao, na kuha sa isang resort sa Bohol noong October 2021.

Sabi ni Piolo, ”I think things got a little out of hand because of some photos that went around.”

Ayaw na rin ni Piolo na pahabain ang tungkol sa tanong kung ano ang real score sa kanila ni Shaina. Wala rin bago  ayon pa sa kanya, at gusto na lang niyang hayaang mamatay ang isyu sa kanila ng dalaga.

It’s just the same. I guess it’s better not to talk about it. Let it just die down because it’s been how many years, and we always say the same thing.

“I guess, for now, wala. ‘Yun na ‘yon. What you see is what you get, as simple as that.”

So, sa sinabi ni Piolo na what you see is what you get ay parang pag-amin na rin ‘yun na talagang may something nang namumuo sa kanila ng nakababatang kapatid ni Vina Morales, ‘di ba?

Ayaw na nga lang niya sigurong matatanong pa siya tungkol sa sinasabing relasyon nila ni Shaina dahil nga obvious naman na talagang sila na.

Sa mga larawan nilang naglabasan, kitang-kita ang public display of affection ng dalawa gaya ng yakapan, holding hands, at may nakahiga pa lap, na karaniwan lang naman na ginagawa ng dalawang magkarelasyon, ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …