Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovely Rivero Sunshine Cruz Barbie Forteza

Lovely Rivero, thankful sa pag-aalaga ng GMA-7

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

THANKFUL si Lovely Rivero na kahit hindi siya contract artist ng sa GMA-7 ay patuloy siyang nabibig­yan ng project sa Kapuso Network.

Si Lovely ay baha­gi ng Mano Po na tinatampukan nina Barbie Forteza, Maricel Laxa, Sunshine Cruz, Boots Anson Roa, David Licauco, Nikki Co, Rob Gomez, Dustin Yu, at iba pa. Ito’y sa pamamahala nina Ian Lorenos at Easy Ferrer.

Saad ng aktres.

“Iyan ang isa sa pinaka-ipinagpapasalamat ko sa Diyos na kahit paano, He blesses me with continuous work sa GMA 7 Kapuso network dahil gustong-gusto ko talaga na nagtatrabaho sa kanila at mahal ko ang mga nakaka-work ko sa GMA. Plus, ang gaganda naman talaga ng projects nila at napakaayos ng sistema.”

Pagpapatuloy pa ni Lovely, “Kaya malaki talaga ang pasalamat ko sa lahat ng bumubuo ng GMA network at sa mga production people na nagtitiwala sa akin doon. At the same time, minsan, nagkakaroon din ako ng chance to work sa ibang networks at productions dahil nga freelance actor naman ako at dahil dito, mas lumalawak ang kaala­man at experiences ko.

“Basta ang paniwala ko, ‘pag may trabaho akong ginagawa, dapat pagbutihin mo at ibigay ang puso, serbisyo at abilidad nang buong-buo. Kasi, that is how you show your gratitude and appreciation, by doing a good job, by trying to do your best all the time, maliit man or malaki ang role at kahit saan mang produksiyon.”

Ano ang role niya rito? Tugon niya, “Medyo kakaiba siya sa madalas na role na ibinibigay sa akin lately na nanay na mabait at iyakin. Ngayon may pagkapormal, cold, no non-sense na corporate animal ako rito na fiercely loyal sa amo niya.”

Aniya, “Ang boss ko rito ay si Ms. Cristine Chan, played by Sunshine Cruz, na siyang Presidente at CEO ng GoldQuest Corporation.”

Nabanggit din niyang enjoy siyang katrabaho ang co-actors niya rito. “Naku, ang sarap-sarap katrabaho ng mga kasama kong actors dito. Lahat ng artista rito mababait, walang reklamo sa work at higit sa lahat, napaka­gagaling.

“Kaya naman napaka-smooth ng tapings at ‘di namin lahat iniinda ‘yung mga small production hiccups, kasi nga lahat very professional at mababait at lahat iisa ang goal: gumawa ng maganda at maayos na serye na magugustuhan ng mga manonood,” nakangiting saad pa ni Ms. Lovely.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …